Laughing With Them
RHEILA'S POV
"Sana naman may pogi!"
Napailing naman ako kay Christian habang naglalakad kami papuntang cover court. May program kasi 'yung school ngayon at may pupuntang bisita. May pupunta ring taga-ibang school kaya naman todo hiling si Christian na sana ay may pogi.
Mahigit tatlong buwan na rin ang nakakalipas at buti nalang ay nakakasurvive ako sa classroom kahit kaklase ko si Kim! Naalala ko pa no'ng may group activity kami at naging magka-group kami. So syempre, umangal na naman siya sa sinasabi ko no'n kaya nagsagutan pa kaming dalawa bago matapos 'yung activity namin!
Wala pa masyadong students sa cover court kaya naupo muna kami sa bleachers kaysa ro'n sa mga naka-ready na mga upuan. Nakakahiya naman kasi kung kami ang mauuna. Nag-scroll muna ako sa phone ko habang sila Nath ay nakain ng waffles.
"Aray ko naman!"
Napatigil ako sa pagreact ng 'haha' sa shared post ni Lucas nang marinig ko ang reklamo ni Christian! Nakita ko namang namumula 'yung kamay niya na para bang may umapak sa kamay niya. Nakatuon kasi ang kamay niya sa upuan at parang hagdan ang itsura nito kung kaya't nadaraanan ito ng mga estudyante.
"Oops! Sorry!" maarteng sagot no'ng babae at tinakpan pa ang bibig niya na parang nagulat talaga siya. Parang pamilyar sa akin 'yong babae, siya 'ata 'yung laging kaaway ni Christian!
"Anak ng—bruha kang babae ka! Ikaw na naman?" inis na sabi ni Christian habang hawak ang kamay niyang naapakan. Medyo namumula na rin iyon ngayon dahil may takong ang sapatos na suot no'ng babae na kaharap namin ngayon.
"Oh? Ako na naman? Why? Nagsasawa ka na ba sa face ko?" parang batang sabi pa niya at nag pout pa.
"Aba't nagtanong ka pa ha? Oo! Nagsasawa ako dahil nakakaumay na 'yang pagmumuka mo!"
"Oh really? Kahiya naman sa 'yong bakla ka, napakapangit mo pa naman!" Panglalait pa niya at nagtawanan sila ng mga kasama niya.
"Alam mo? Sana hindi ka nalang nag-exist sa mundo, para happy happy lang." Dagdag na sabi pa no'ng babae.
Ano ngang pangalan niya? Nakalimutan ko na kasi!
"Ah talaga? Alam mo mas happy siguro kung ikaw nalang 'yung hindi nag exist, alam mo kung bakit? Kasi 'yung hininga mo amoy panis."
"How dare you!"
"Tama na," sabi ko kay Christian habang pinipigilan namin siya nila Micka na sumugod dahil mukhang sasabunutan niya 'yong babae! "'Wag mo nang pansinin."
"Oh!" sabi pa no'ng babae habang nakahawak sa kaniyang bibig nang pagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. "May pretty ka palang kaibigan? 'Kala ko isang nerd at morena lang meron ka."
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Genç KurguMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...