All Is Good, Except One
RHEILA'S POV
"Ehem!"
Napabitaw ako sa pagkakayakap kay Lucas dahil biglang umubo ng peke si Micka! Napakamot naman ako sa batok ko habang nahihiyang ngumiti sa kaniya.
Nandito na pala siya, sorry Micka.
"Congrats, Jie! Omg! Deserved!" Masayang sabi ni Micka at niyakap ako.
"Thank you, congrats din! Pasok tayong dalawa!"
"Oo nga! Buti nalang kahit nilagyan ni Christian-" Napatigil siya sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata niya na para bang may nasabi siyang hindi maganda kaya nagtaka ako.
"Huh? Nilagyan ni Christian? Ng ano?" Sunod-sunod na tanong ko dahil naguguluhan ako!
Ano raw?
"Ha? W-wala, ibig k-kong sabihin e... ano..." Hindi ko maintindihan si Micka! Hindi rin siya mapakali! Parang nag-iisip siya ng dahilan at para may bumabagabag sa kaniya na kung ano.
May tinatago ba siya?
"Ano 'yon?" tanong ko pa ulit pero nakangiti pa rin ako.
"Ano-"
"Jie! Micka! Omg mga bakla, congrats sa inyo!"
Naagaw ang atensyon ko sa halos sabay na sigaw si Christian at Nath habang tumatakbo palapit sa amin! Natuwa naman ako at sinalubong sila ng yakap.
"Congrats!" Yumakap ako kay Christian nang batiin niya ako at niyakap niya rin naman ako pabalik.
"Nako, wala 'yon! Thank you!" sabi ko ngunit nagtaka ako dahil sa sunod niyang sinabi.
"Sorry rin..."
Huh? Sorry?
"Ha? Sorry para sa'n?" Naguguluhan na tanong ko. Kanina pa ako naguguluhan sa mga inaasta nila! Ano bang nangyayari?
"Ano kasi-"
"Ano?" Mahinahong tanong ko ngunit parang nangangapa pa siya ng sasabihin niya.
"Ano kasi, hindi kami nakapunta agad," Si Nath na ang sumagot para kay Christian kaya ngumiti nalang ako at tumango.
"Oo, tama, sorry!" Natatarantang sagot ni Christian at ngumiti nalang ako.
"Jusko naman! Akala ko kung ano na! Okay lang 'yon!"
Nagpaalam na rin kami sa isa't isa at marami rin kaming napagkwentuhan ngunit hindi ko maiwasan mapaisip. Para kasing may tinatago sila sa 'kin. Nakita ko rin na paminsan-minsan ay napapailing at sumasama ang tingin ni Micka kay Christian. Hinayaan ko nalang sila kasi baka nagtatampo lang si Micka kasi late silang dumating. Sa akin naman ay okay lang 'yon, at least nakapunta pa rin sila. Rito rin naman kasi ginanap sa school namin ang contest eh, kaya makakapunta talaga sila.
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Teen FictionMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...