Chapter 73

99 6 0
                                    

Outstanding Valedictorian


RHEILA'S POV


"May we get the finest rest we deserve after school and exams! May we one more experience our true happiness and move on and choose serenity. Just enjoy the moment and live it. We'll make it, cheers!"


Nakangiti naming pinag-cheers ang mga baso naming may lamang juice. Nandito kami ng mga kaibigan namin Lucas sa isang restaurant at kumakain. Kakatapos lang naming mag-review para sa final exam namin bukas. Sana lang ay may pumasok sa isip namin para naman may maisagot kami sa exam namin bukas.


"Gago, ga-graduate na tayo next week!" sabi ni Christian habang nakain at nagtanong naman bigla si Nath.


"Sure ka bang kasama ka sa ga-graduate?"


"Gago ka, ah? Foul 'yon!"


Sinaway ko pa si Christian dahil kanina pa siya mura nang mura! Baka mapaalis kami rito nang wala sa oras, e!


"Ano ba kayo, ga-graduate tayong lahat!" sabi ko at ngumiti lang naman sila sa akin.


"Saan ba kayo papasok ng senior high, ha? Para ro'n na rin ako."


Sinagot naman namin 'yong tanong ni Micka at lahat kami ay ro'n papasok! Hindi ko lang sure kung anong strand ang kukunin nila. Pero ako, ABM siguro dahil gusto kong maging accountant. Same strand din kami ni Micka kaya sana ay classmates ko pa rin siya. Si Lucas naman ay gusto niyang mag-abugado kaya papasok pa siya ng law school.


"Unang tanong pa lang ang aking nabasa, alam kong hindi na 'ko makakapasa."


Napailing na lang ako sa sinabi ni Christian habang nasa canteen kami at nakain. Araw ng exam ngayon at nakatapos na rin kami ng ilan kanina bago kami mag-break time. Sinabi ko naman sa kaniya na tiwala lang at makakapasa siya dahil kung hindi, babalik siya ng 4th year high school. Sayang naman kung hindi siya makakapasa, maiiwan siya.


"Congratulations, everyone! Just continue to work and study hard!"


Lahat kami ay nagsipalakpakan matapos ang closing remarks ng aming graduation day para sa taon na 'to. Yes, graduation day namin ngayon! And guess what? Nakapasa kaming lahat ng mga kaibigan ko! Pare-pareho rin kaming nag-martsa kanina kaya nakakatuwa! Grabe! Parang kahapon lang pumapasok ako at laging pinagtitinginan ng mga tao, tapos ngayon? Tapos na agad ako nang high school!


Ang dami na ring nangyari nitong mga nakaraang taon at buwan. Tama nga ang sabi ng iba, high school life is the best. Hindi ko inakala na pagtungtong ko sa school na ito ay may magiging kaibigan ako at sabihin na rin nating... ka-i-bi-gan.


"Congrats, baby! You did well! I'm so proud of you!"


Kagaya nito, sinalubong ako ni Lucas na manliligaw ko ng isang matamis na bati sabay yakap. Yumakap din ako pabalik sa kaniya at humiwalay na rin kaagad ako nang biglang lumapit sa akin ang mga kaibigan ko. Galing kasi sila sa mga magulang nila pero si Christian ay Tita niya lang ang kasama niya.

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon