Chapter 77

122 6 0
                                    

Don't Be Jealous


RHEILA'S POV


"Shet, isang taon na lang college na tayo!"


Napapalakpak na lang ako sa tuwa dahil sa sinabi ni Christian. Tama siya, isang taon na lang college na kami! Natapos na kasi namin ang isang taon bilang senior high so, ngayong taon ay last year na namin bilang senior high. Syempre, sa loob ng isang taon ay may madali at may mahirap.


Sumasakit din 'yong ulo sa subjects namin minsan pero nadadalian din ako minsan. Super strict din no'ng teacher namin sa, contextualized subjects namin. Buti na lang mabait 'yong teacher namin sa General Mathematics namin, medyo mahirap pa naman 'yon.


Nagkaroon din kami ng intrams this year kaya sumali ulit ako ng badminton. Single B naman 'yong pinasok ko pero no'ng dumating na 'yong laban ay hanggang division lang 'yong naabot ko. Sumali rin ako ng journalism, and guess what? Nanalo ako! Sa November pa 'yon and competitor din ako for Division Secondary Campus Media and Action Research Conference (DSCMARC) this year!


Naging busy rin ako bago sumapit 'yong contest at minsan ko na lang din nakakasama si Lucas. I mean, 'yong maggagala kami gano'n. Nagkikita lang kasi kami 'pag hinahatid niya ako at sundo. Ngayong araw naman ay weekend at Linggo ngayon. Sabay rin kaming nagsimba ni Lucas at sabi niya ay pupunta raw siya sa sementeryo para bisitahin ang Mama niya. Nag-tanong pa nga ako kung pwede ba akog sumama sa kaniya ngunit sabi niya ay 'wag na. Pero, dahil medyo makulit ako, nagpumulit ako na sumama kaya wala na siyang nagawa. First time ko ring pupuntahan 'yong Mama niya at makikilala.


Ang tamlay rin ni Lucas no'ng sunduin niya ako kanina sa bahay. Ang pait lang din ng ngiti niya sa amin at parang ayaw niya akong kausapin. No'ng Sabado rin, which is kahapon, inantay ko siyang sunduin ako sa bahay dahil lalabas daw kami ngunit hindi siya dumating... Nakatulugan ko na nga 'yong pag-iintay ko sa kaniya, e. Nagme-message rin ako sa kaniya kung nasaan na siya pero hindi siya sumasagot. Buti na lang kanina, nag-text siya na magsimba raw kami. Tinanong ko pa nga kung bakit hindi niya ako sinundo kagabi kaso hindi niya sinagot.


"Okay ka lang ba?"


Napatingin naman si Lucas sa 'kin dahil sa tanong ko. Nakatulala lang kasi siya sa labas ng bintana at parang may iniisip. "Y-yeah, I'm okay."


"Sure ka?" Tanong ko at hinawakan ko ang kamay niya para haplusin 'yon gamit ang hinlalaki ko.


"Yes, don't worry."


Ngumiti lang siya ng maliit sa akin at tumango na lang ako. Bumili rin muna kami sandali ng bulaklak para sa Mama niya at nang makababa kami ng sasakyan ay isang malakas na hangin ang sumalubong sa amin. Hahawak pa sana ako sa braso ni Lucas ngunit nagulat na lang ako dahil bigla siyang umiwas sa akin. Nang makita niya naman ang mukha ko ay hinawakan niya bigla ang kamay ko at nagsalita siya.


"Sorry, n-nagulat lang ako."


Ngumiti naman ako sa kaniya at hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. "Okay lang."

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon