Chapter 17

147 19 74
                                    

Lights Out


RHEILA'S POV


"Pupunta kaya ako?"


Nagising na lang ako ng may tanong sa isip at nagising ako dahil hindi na ako makatulog ng ayos magmula kagabi. Umaga na at wala pa ring paramdam si Lucas. Acquaintance party na namin ngayon at wala pa akong isusuot.


'Wag nalang kaya ako umattend?


Mamaya pang 1:00pm ang start ng party at hanggang 10pm 'yon ng gabi. Buti nga ay pinayagan ako ni Mama at Papa dahil sa school lang naman daw 'yon. Ihahatid din nila at sundo ako mamaya ngunit mukhang ayaw ko nang umattend. Nawawalan na ako ng gana.


Tiningnan ko ang cellphone ko dahil tumunog ito at bigla nalang akong napangiti dahil nag chat na sa akin si Lucas! Dali-dali ko itong tiningnan at napangiti rin sa nabasa.


Lucas Avriel Enriquez:

Good morning baby, will you attend the party?


Rheila Garcia:

Nagdadalawang isip pa nga ako eh, 'tsaka wala pa akong isusuot.


Lucas Avriel Enriquez:

Hmm, wear cute clothes then?


Rheila Garcia:

Ah eh, wala akong cute na clothes eh.


Lucas Avriel Enriquez:

Be naked na lang, that's cute enough : )


Rheila Garcia:

Bwisit ka!


Lucas Avriel Enriquez:

Baby, just kidding HAHAHAHAHA


Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi na siya galit? O baka naman...napipilitan lang siya? Teka, galit nga ba siya sa akin? Sa pagkakaalam ko wala naman akong nagawang mali.


"Ma, hindi na po ako aatend ng acquaintance party namin mamaya," bungad na sabi ko kay Mama na siyang ikinagulat niya maging nila Ate at Kuya. 'Wag nalang akong umattend, wala rin naman akong isusuot don.


"Ano?! Bakit naman?"


"A-ah, ayoko na po... Gabi na po kasi 'yon matatapos tapos si Lu-"


"Magandang Umaga po! Delivery po para kay Ms. Jiemmelyn!" Napatigil nalang ako dahil sa narinig kong masayang tinig mula sa labas ng bahay namin.


"JIEMMELYN!" sigaw ni Mama na siyang ikinagulat ko na naman!


Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon