Chapter 61

153 9 32
                                    

Intense Game


RHEILA'S POV


"Tangek! Joke lang! Grabe naman 'yong ngiti mo, abot hanggang langit!"


Sinamaan lang ako ng tingin ni Lucas kaya tinawanan ko lang siya. Pinipigilan ko namang hindi tumawa pero natatawa talaga ako! Nakakatawa kasi 'yong mukha niya!


"Tangeks, oks lang. Sino ba naman ako para sagutin, 'di ba? Gagi, okay lang."


Mas lalo pa akong humagalpak ng tawa dahil sa sinabi niya! Napapatingin tuloy sa 'kin 'yong ibang tao pero hindi ko muna sila pinansin dahil gusto kong tumawa ngayon.


"Ang saya mo, ah? Let's go na nga!"


Hinawakan na ni Lucas ang kamay ko at hinila niya na rin ako papunta sa gitna ng court habang ako ay tawa pa rin ng tawa. Sinuway naman niya ako kaya kinagat ko na lang ang pisngi ko para pigilan ang sarili kong tumawa. Pinapwesto naman niya ako sa gitna at katapat ko na 'yong ring ngayon.


"Ang taas," sabi ko habang nakatingala sa ring.


"It doesn't matter how high the ring is, what matters is how you'll shoot the ball into it."


Tumango lang ako sa kaniya dahil ang seryoso niya ngayon! Binigay niya sa akin 'yong bola at pumwesto siya sa likod ko. Naramdaman ko namang nagsitaasan 'yong mga balahibo ko sa katawan habang nasa likod siya. Hinawakan niya 'yong kamay ko ay tinaas ng bahagya. Ginaya niya 'yong kamay ko para i-shoot 'yong bola at napapalakpak na lang ako dahil na-shoot 'yon!


"Hala, ang galing!"


"That is how you will shoot the ball into the ring, baby." Kinindatan niya pa ako at tumabi siya sandali sa isang side para hayaan akong mag-shoot mag-isa.


Natawa pa ako nang i-cheer ako nila Micka at drinibble ko na 'yung bola sabay tira. Pero, hindi 'yon nag-shoot! Nag-try pa ulit ako ng isa ngunit hindi pa 'yon nag-shoot. Natawa na lang ako sa sarili ko at nag-shoot ulit.


"Ay!" Sigaw ko dahil muntik nang mag-shoot 'yong bola! "Sayang, omg!"


Drinibble ko ulit 'yong bola at pumwesto ako para tumira. Nang tinira ko na 'yon ay narinig ko ang cheer ni Lucas sa akin at napatalon na lang ako sa tuwa dahil nag-shoot 'yon! Tumingin ako sa kaniya sabay takbo para yakapin siya. Sinalubong naman niya 'yong yakap ko at inikot na naman niya ako sa ere!


"Omg! Nag-shoot!"


Binaba na niya ulit ako at nag-try pa ulit ako ng isa. Nag-shoot 'yon kaya tuwang-tuwa ako! Nag-shoot pa ako ng ilang beses at nang mapagod ako ay umupo na muna ako sa bleachers. Sinundan naman ako ni Lucas at naupo.


"Congrats! Deserved!"


"Thank you!" Ngumiti lang ako sa kaniya at pinanood ang Ate at Kuya niya na naglalaro na ng basketball ngayon.

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon