Everyone Told Lies
WARNING: blood, drugs
RHEILA'S POV
"Anong nagawa kong mali?! Bakit nangyayari 'to?! Masama ba akong tao?"
Napaluhod at napaupo na lang ako sa sahig habang umiiyak dahil nanghihina na talaga ako. Alam kong marumi rito dahil may mga damo at lupa ngunit wala na akong pakialam do'n. Puro lupa na rin 'yong tuhod ko at alam kong marumi na rin ang suot kong dress. Ang bigat-bigat na rin ng dibdib ko at parang hindi ko na kayang maglakad. Ang sakit, ang sakit-sakit... Hindi ko alam kung ilang beses akong umiyak ngayon. Mas tama yatang sabihin na hindi na ako tumigil kakaiyak kanina pa.
Kahit punasan ko 'yong mga luha ko, mapapagod lang ako dahil hindi ito natigil sa kakatulo. Wala akong ibang ginawa kung 'di ang umiyak lang nang umiyak sa ilalim ng maraming puno't halaman habang yakap-yakap ang sarili ko. Gabi na rin at wala na akong nakikitang ibang tao. Tunog din nang tunog 'yong phone ko at nang kunin ko 'yon ay napaiyak na lang ako nang makita ko ang picture namin ni Lucas sa likod ng phone ko.
Pinunasan ko 'yong mga luha ko para makita ko nang maayos 'yong screen ng phone ko. Ang nasa lock screen ko ay si Taylor Swift at ang wallpaper ko naman ay kaming dalawa ni Lucas. Pinigilan kong umiyak nang mabuksan ko ang phone ko ngunit wala, umiyak na naman ako.
From: Ate JK
Nasaan ka na? Bihis na 'ko
Aalis na tayo, nauna na ba kayo riyan?
Kasama mo na ba 'yong mga kaibigan niyo?
Bakit hindi ka nagre-reply? Hindi rin nasagot sa tawag ko si Lucas
Rheila, nag-aalala na sa 'yo si Mama
HOY GAGO, NASAAN KA BA?! YARI KA KAY MAMA
RHEILA, BAKA MAGSARA NA 'YONG PABORITO MONG LUGAR, SIGE KA
Wala ka bang load? Rheila, nag-aalala na kaming lahat sa 'yo
OKAY KA LANG BA?!
Uela... Umuwi ka na...
Kinabahan naman ako dahil sa huling text ni Ate JK sa akin at napatalon pa ako sa gulat nang mag-text ulit siya bigla.
From: Ate JK
Nasaan ka ba?! Hoy! Okay ka lang ba?
Parang awa mo na, Rheila umuwi ka
Hindi ako nag-reply sa text ni Ate JK at tumulala na lang ako sa kawalan habang napatak ang mga luha ko. Ilang minuto pa akong nasa ganoong posisyon at tumayo na rin ako para umuwi mag-isa. Mas lalo naman akong napaiyak dahil hindi nga pala ako marunong sumakay ng jeep at hindi rin ako marunong tumawid!
Huminga na lang ako ng malalim at pinunasan ko ang mga luha na tumutulo sa mata ko. Naglakad na ako papuntang kalsada at sandali pa akong huminga ng malalim bago tumawid. Buti na lang ay may mga kasabay ako kaya nakisabay na lang ako sa kanila.
"Miss, okay ka lang?"
Napatingin naman ako sa may kaliwa ko dahil bigla may nagtanong. "O-opo."
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Teen FictionMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...