Chapter 1

1.9K 59 41
                                    

Day Once


RHEILA'S POV


"Kumpleto na ba ang gamit niyo? Wala na kayong nakalimutang bilihin?"


Napatango nalang ako kay Mama habang nakangiti sa kaniya. Nandito kami ngayon sa may isang mall para bumili ng gamit namin sa school. Syempre, pasukan na naman at kailangang may gamit ka pampasok. High school na rin ako kaya hindi ko maiwasan na hindi ma-excite, pero nakakaramdam din ako ng kaba sa dibdib ko.


Sabi ko nga rin kay Mama na sa may palengke o bayan nalang kami bumili ng gamit para makamura kami kaso ayaw niya dahil buong elementary ko na raw ay sa bayan kami nabili ng gamit ko. Sabi ko ay okay lang naman pero ang kulit din ni Mama, kahit isang beses lang daw kaya pinagbigyan ko na lang.


"Kapag high school ka na, sure akong may mangliligaw sa 'yo," natatawang sabi ni Ate JK sa akin na katabi ko lang ngayon. Tapos na rin kaming mamili ng mga gamit namin at nandito kami ngayon sa Chowking para kumain.


Syempre, umangal na naman ako kay Mama dahil pwede naman kaming sa pancitan nalang kumain pero sinuway niya na naman ako, kaya eto inaantay nalang namin si Mama na makabalik dito.


"Mangliligaw? Sure ka 'te JK? Ligaw talaga? Ayoko!"


"Oo, ligaw! Gaga, ang ganda mo kaya! Para kang anghel! Kapag walang nagkagusto sa 'yo sa school niyo, pwede na silang pumunta ng E.O." Natawa naman ako sa sinabi niya at nagsalita.


"Ayokong magpaligaw!" Umiling-iling pa ako habang paulit-ulit na sinasabi 'yun.


"Bahala ka, pero alam mo? Nakakaawa mga binabasted no'ng elementary ka!


"Ate JK, wala akong oras para ro'n! Bata pa ako, ayoko pa magkagusto!"


Nagmake-face lang sa akin si Ate JK at ako naman ay bumuntong-hininga nalang. Pero aaminin kong marami nga akong nabasted no'ng elementary, lalo na no'ng Grade 6. Sinasabi nila na crush nila ako, na gusto nila ako pero ang tanging sinasabi ko lang sa kanila, 'sorry, study first'.


Wala rin akong alam sa mga ganiyan, sa mga gusto-gusto na 'yan. Hindi pa nga ako nagkakagusto o nagkaka-crush man lang. Ewan ko ba, para ayoko lang. Grade 6 pa lang din naman ako no'n, parang wala pa akong alam sa 'love'.


Ano nga ba 'yung love?


Nakarating na rin si Mama ngunit wala pa siyang dalang pagkain. Ihahatid nalang daw kamo rito. Napatingin naman ako sa may tabi kong glass wall dahil nakakaagaw ng pansin 'yung palagid, lalo na 'yung mga sasakyan na dumaraan. Nanliit naman ang mata ko bigla sa may batang nagtitinda yata at inaalok niya 'yung parang kaedaran ko, pero lalaki siya.


"Rheila anak, gusto mo ba ng banana cue?" Napatingin ako bigla kay Mama dahil sa tanong niya.


"Hindi niya gusto 'yung banana cue, Ma! Kanina pa siya nakatitig do'n sa lalaki, gusto yata 'yung katabi-"


Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon