Really Who Are You?
RHEILA'S POV
"Good morning, Jie!"
Nagising ako sa yugyog ni Micka sa akin kinabukasan. Bumangon naman kaagad ako at kinusot ko ang mata ko. Hindi ko alam pero parang antok na antok pa ako at gusto ko pang matulog! Paano ba naman kasi kagabi, hindi mawala sa isip 'yong lalaki pati na rin 'yong sinabi niya kagabi.
Sino ba siya?
"Good morning din!" Balik na bati ko sa kaniya at bumangon na rin ako para maghilamos na.
Tubig lang ang pinanghilamos ko dahil wala naman akong ginagamit sa mukha ko na kung ano. 'Yung skincare na tinatawag nila, wala ako no'n! 'Tsaka wala rin naman akong pambili at wala akong balak bumili. Ibili ko nalang siguro 'yon ng pagkain kaysa pambili ng mga 'yon.
Kumain at naligo na kami ni Micka. Hindi rin kami nagtagal dahil maraming pang maliligo. Si Micka ang naunang maligo kaysa sa akin at nauna rin siyang matapos dahil ngayon ang laban niya. Sports, editorial at feature writing ang naka-schedule ngayon kaya may kasama siya kahit papano pero hindi sila magkasama sa iisang room.
Sa kabilang school gaganapin ang laban nila. Hindi naman siguro gano'n kalayo 'yon at siguro roon din kami lalaban bukas.
"Galingan mo ha? Manalo, matalo proud pa rin ako sa 'yo!"
"Salamat Jie! Grabe ka, ang bait mo talaga. Nakakainis!" Pinag-krus pa niya ang mga braso niya at bumeso sa akin bago umalis. Tumawa naman ako dahil sa inakto niya.
"Nak, may program bago magsimula ang laban nila. Gusto mong sumama?" Tanong ng Coach ko at nakabihis na rin siya.
"Ay nako, 'wag na po! Rito nalang po ako," sabi ko dahil aantayin pa nila akong magbihis! Sayang lang 'yong oras kung hihintayin pa nila ako.
"Ay siya sige, kung gusto mong maglakad-lakad pwede naman." Ngumiti lang ako sa sinabi niya at nagpaalam na rin sila.
Umalis na sila at kumaway ako bilang pamamaalam. Hindi na 'ko sumama dahil baka mainip lang din ako ro'n 'tsaka manonood lang naman kaya 'wag na.
7:30 palang ng umaga kaya medyo malamig pa rin. Nagsuot ako ng jacket at naglakad lakad sa labas. Dinala ko rin ang cellphone ko at nilagay 'yon sa bulsa ng jacket ko.
Ang lawak pala talaga ng school na 'to? May cover court, stage, mini garden, mini playground at iba pa. Dumiretso ako ro'n sa mini playground at umupo sa may swing. Tinulak ko ang sarili ko para umangat ako sa ere. Medyo malamig kaya masarap sa pakiramdam.
Ngayon lang ulit ako nakasakay ng swing. HIndi ko na matandaan kung kailan ang last na sumakay ako sa ganito. May mga ngumingiti at bumabati rin sa akin kaya binabati ko rin sila.
Ang friendly naman.
Iilan lang ang tao sa playground dahil maaga pa. Mga apat o lima lang ang nakikita ko at ang iba pa ay mag-boyfriend at girlfriend pa 'ata dahil sobrang sweet nila!
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
JugendliteraturMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...