Real Surprise Accident
RHEILA'S POV
"Hay, makakapagpahinga na rin."
Umuwi na kami ni Lucas matapos naming gumala sa mall kanina. Grabe, sobrang laki no'ng mall! Marami rin kaming napuntahan na mga shops at stalls. Syempre, nilibre ako ni Lucas kahit ayaw ko. Pero pumayag na rin ako kasi alam kong hindi niya ako tatantanan!
"Taray! May pa-necklace si Lucas! Sana all," sabi ni Ate habang tinitingnan ako mag-ayos ng mga gamit ko.
Binili kasi ako ni Lucas ng necklace. Ang sabi niya kanina, magsi-C.R. lang siya pero nagulat nalang ako nang biglang may nagsuot sa 'kin ng kwintas mula sa likod ko kanina! Grabeng gulat ang naramdaman ko no'n, jusko! Buti nalang hindi ako sumigaw. Nakakahiya naman, ang dami pa namang tao!
Hindi ko rin naman nakita masyado 'yung necklace kanina kaya pinagmasdan ko ito ngayon. Simpleng lang siya, gold din tapos may heart na napapalibutan ng mga stones na kulay violet tapos may infinity rin sa gitna nang heart.
Teka, parang pamilya sa 'kin 'yung design?
"OMYGAD! JIEMMELYN! 'YONG NECKLACE MO! OMYGAD! 'YAN 'YUNG AY NAKO OMYGAD TALAGA!" Hindi makapaniwalang sabi ni Ate kaya hindi na niya matapos-tapos ang kaniyang sasabihin. Napatingin din kasi siya habang tinitingnan ko 'yung necklace na suot ko.
"Nakikita ko 'yan sa epbidotcom! Omygad talaga! Nako, mapapa 'sana all' ka nalang talaga dzai!" Kinuha naman niya bigla 'yung phone niya at may hinanap do'n. Ako naman ay kinuha 'yung paper bag na bigay sa 'kin ni Lucas dahil hindi ko pa nakikita 'yung laman no'n.
Tinanggal ko 'yung laman mula sa paper bag at nang maalis ay nakita ko na kahon iyon kaya nilabas ko ito at binuksan. Pagkabukas ko ay may nakita 'kong lima pang kahon na parang lalagyanan ng kwintas. Kinuha ko ang isa ro'n at nagtaka dahil wala 'yong laman ngunit may papel akong nakita.
Baka ito 'yung lalagyanan ng suot kong kwintas ngayon?
Tiningnan ko naman ang nakasulat sa papel at parang pamilyar sa 'kin ang nakasulat do'n.
"It rains when you're here and it rains when you're gone 'Cause I was there when you said, "Forever and always""
Teka! Kanta 'to ni Mami Taylor, ah? 'Yung Forever and Always? Lyrics 'to mula ro'n! Tiningnan ko pa ang ibang kahon at namangha sa mga laman nito! Necklace ulit siya ngunit iba naman ang design. May papel ulit 'yon at may nakasulat na...
"You were the prince, I used to be a damsel in distress."
Kanta ulit 'to ni Taylor Swift ah?! Today was a fairytale 'yung title. Jusko! Mapapakanta 'ata ako nang wala sa oras, ah! May tatlo pang kahon at gaya ng sa kanina ay necklace ulit 'yon at may mga papel na na naman 'yon na may sulat.
"You'll be the prince and I'll be the princess, it's a love story, baby, just say, "Yes""
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Teen FictionMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...