Happiness And Love
RHEILA'S POV
"Tama na po! Tama na po!"
Nang makarating ako sa bahay nila Christian ay pumasok na agad ako dahil naririnig ko ang sigawan nila. Alam kong mali na pumasok bigla pero mukhang nagkakasakitan na sila!
"Jiemmelyn..." Bulong ni Christian. Inawat at nilayo ko si Christian mula sa tatay niya at mukhang nagulat pa nga Christian dahil binitawan siya kaagad ng tatay niya! Nagtataka rin naman ako dahil biglang umaliwalas ang mukha ng tatay niya.
"Tama na po! Wala pong kasalanan si Christian. Hindi naman po siguro masamang maging bakla, ano po? Kung kami nga po natanggap siya, paano pa po kaya kayong pamilya niya?" Habang sinasabi ko 'yon ay nasa likod ko si Christian at pinoproktehan ko siya sa sarili niyang tatay.
"Kayo po ang kailangan ni Christian ngayon, hindi kami. Magulang po kayo, kayo po dapat ang mas nakakaintindi sa kalagayan niya."
Hiniwakan ko ng mahigpit ang kamay ko ni Christian dahil narinig ko ang hikbi niya. Kinapit naman niya 'yung isang kamay niya sa braso ko at naramdaman kong nanginginig siya sa takot!
"Tama, tama..." Patango-tango na sabi ng Papa niya at naramdaman kong napabitaw si Christian sa pagkakahawak sa akin. Dahan-dahan akong tumingin kay Christian at ang nanlalaki niyang mata ang bumungad sa akin.
T-totoo ba 'yung narinig ko?
"Tama ka, ako rapat ang mas nakakaintindi sa kaniya... Nak, sorry. Pagpasensiyahan mo na si tatay. Nagulat lang ako, halika," sabi ng Papa niya at binuka ang kamay niya na para bang hiniling na yakapin siya ni Christian. Napangiti naman ako dahil do'n at nakahinga ng maluwag. Tumango ako kay Christian habang nakangiti at parang sinasabi ng ngiti ko na, 'masaya ako para sa 'yo'.
"Papa, sorry po!" Umiiyak na sabi ni Christian habang nakayakap sa tatay niya. Hindi naman maalis ang ngiti ko dahil do'n.
"Shh, naiintindihan ko," sabi niya habang hinahagod ang likod ni Christian. Hindi ako makapaniwala, tanggap na siya ng tatay niya?! Jusko! Sobrang saya ko para sa kaniya!
"Thank you, Jie." Ngumiti lang ako sa pagpapasalamat sa akin ni Christian nang lumapit siya sa akin. Kanina pa rin kami nagke-kwentuhan at ngumingiti lang ako sa tatay niya kapag napapatingin siya sa amin.
"Wala 'yon! Oh siya? Uwi na ako ha? 'Wag mo nang isipin 'yon. Okay na lahat, ba-bye!" Pagpapaalam ko pa sa kaniya dahil kanina pa ako rito at baka hinahanap na rin ako ni Mama at Lucas.
Kumaway ako sa kaniya at naglakad na 'ko papunta sa sasakyan ni Lucas. Nagulat pa ako dahil agad siyang bumaba nang makita ako, siguro ay nakita niya ako sa salamin habang papalapit. Nang makarating siya sa harap ko ay agad niya akong chineck at hinawakan ang dalawang balikat ko.
"Hey, are you okay?"
Tumango ako at nagsalita, "Oo."
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Dla nastolatkówMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...