Deception It's About To Feel
RHEILA'S POV
"Super scary no'ng teacher namin sa isang subject aba! Nakakatakot!"
Natawa na lang kay Christian habang nagku-kwento siya tungkol sa mga teacher niya. Nandito kami ngayon sa isang kubo dahil pare-pareho kaming walang klase sa 2nd period namin. Ang weird nga lang din dahil dahil kanina pa nakayakap sa akin ni Micka at Nath. Si Christian naman ay nakatitig lang sa akin at palaging ngumingiti.
Kinuha pa namin 'yong phone namin para mag-picture habang nasa gano'ng pwesto. May mga epic pa kaming selfie kaya naman tawang-tawa kami. Napansin ko rin 'yong picture namin ni Lucas sa likod ng phone ko kaya bahagya akong nalungkot.
"Uy! Nami-miss niya!"
"Ha?! Ako? H-hindi, ah!" Angal ko dahil nang-aasar sila!
"Weh? Talaga ba, Miss Jiemmelyn Rheign Uela?! Hindi mo miss?!"
"Ay, jusko! Oo na! Miss ko na siya, okay? Araw-araw naman, ay!" Napasimangot na lang ako sa sagot ko samantalang sila ay parang nanalo sa lotto dahil ang laki ng ngiti nila! Inambahan ko pa sila ngunit halos manlaki na lang ang mata ko dahil sa sinabi ni Micka!
"Hoy, pareng Lucas! Kanina pa kayo riyan, 'no?" Ngiting-ngiti na sabi ni Micka habang ako kay gulat na nakatingin sa kaniya!
"Y-yeah..."
Napapikit na lang ako nang mariin nang marinig ko ang boses ni Lucas mula sa likod ko! Narinig ko pa ang tawa nila Aaron at Lance na nasa likod ko rin kaya hindi na ako nagtangkang tumingin dahil nahihiya na ako!
Narinig ba nila 'yong sinabi ko kanina?!
Sana naman ay hindi! Nakakahiya kung oo! Nagmadali naman akong ayusin ang mga gamit ko para makaalis na ako rito sa kubo na 'to! Namumula na rin yata 'yong mukha ko dahil sa hiya!
"Oh, saan ka pupunta?"
"Aalis na. Malapit na 'yong exam natin for this quarter. Kailangan kong mag-review," sabi ko habang hindi natingin sa tanong ni Micka.
"Ay, nakakaloka! Birthday mo sa exam natin, 'no? Debut mo 'yon, 'di ba?" Gulat na tanong ni Nath habang nanlalaki ang mga mata niya.
"Oh, ano naman ngayon kung debut ko?"
"Gaga ka ba? Syempre dapat mag-celebrate ka, tayo!"
Natawa pa ako ng bahagya dahil sa sinabi niya. "'Wag na! Hindi na kami magha-handa ng bongga. Kakain na lang siguro kami sa labas."
"Kasama kami?"
Napailing na lang ako habang natatawa dahil sa tanong ni Nath. "Oo naman! Basta sasama lang kayo, ah?"
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Teen FictionMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...