Chapter 43

128 11 101
                                    

And Once Again, It's You


RHEILA'S POV


"Complete na ba ang lahat?"


Lahat kami ay umayos ng pila para mabilang kung kumpleto na nga ba. Aalis na kami ngayon at buti na lang kahapon ay nakasama ko si Lucas. Hindi ko naman siguro siya mamimiss gaano, 'no? Magkasama kami kahapon, coffee date lang then sinamahan niya ako mag-grocery. 7:45 na rin ng umaga at 8:00 am kami aalis. School bus ang sasakyan namin dahil 'yon lang ang meron ang school.


Hindi naman gano'n karami ang dala ko kaya keri lang. Katabi ko si Micka mamaya sa bus dahil baka mailang ako kapag hindi ko kilala ang katabi ko. Kanina rin, sila Christian at Nath ay narito para magpaalam sa amin. Sabi pa nga ni Christian ay magdala raw kami ng lalaki. Jusko talaga!


"Excited na 'ko! Sana may pogi!" Manang-mana talaga si Micka kay Christian!


"Micka naman, contest ang pupuntahan natin do'n hindi lalaki! Nakakaloka ka!" Tumawa naman siya dahil sa sinabi ko.


"Nahahawa ka na kay baklang Christian, ha?"


Nagpicture-picture pa kaming dalawa ni Micka para raw may pang-post at my day siya sa mga social media accounts niya. Syempre, pumayag naman ako dahil gusto ko ring mag-picture kaming dalawa.


"Be careful do'n ha? Galingan mo, ha? Win or lose, I'm so proud of you, palagi!"


Nagulat nalang ako nang biglang may umakbay sa akin at bumulong! Napatingin naman ako bigla sa paligid dahil baka may makakita sa amin!


"Jusko ka, Lucas! Papatayin mo talaga ako dahil sa gulat!" Lumayo agad ako sa kaniya at humawak sa dibdib ko. Ngunit, bigla rin akong napangiti dahil sa sinabi niya kanina, hindi ko rin kasi mapagilan na hindi mangiti, e!


'Galingan mo, ha?'


'I'm so proud of you, palagi!'


Knowing that someone is truly proud of me, even for the slightest of my accomplishments, is one of the most treasured feelings in the world. Being reminded that someone is still proud of me means a lot since I am aware of how frequently I fail and make silly mistakes. Seeing people support me, believe in me, and cheer for me despite setbacks and failures is motivating me. It energizes me. It validates my efforts and serves as a reminder that sometimes failing is okay because I still have my family, friends, and even him. And I'm happy to have them.


"Sorry, sorry."


Ngumiti lang ako sa kaniya at dahil nga mahilig 'tong mag-picture, pinicturan niya na naman ako at nag-picture rin kami! Hindi na rin ako magugulat kung mamaya, ako na naman ang nasa post or my day niya.


Nakakahiya kaya! Ako lagi ang laman ng IG niya.


Sumakay na kami sa sasakyan. Sa may bintana ako pumwesto dahil gusto ko ro'n. Hindi naman umangal si Micka at pinagbigyan ako. Dahil nga kalapit ako ng bintana ay nakikita ko ang labas. Kumaway ako habang nakangiti nang makita ko si Lucas at ngumiti rin siya sa akin habang ang isang kamay ay nakaway rin. Nagsimula na ring umandar ang sasakyan at dinaldal na 'ko ni Micka! Dinaldal ko na rin naman siya dahil wala kaming magawa.

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon