Chapter 31

153 13 89
                                    

Doubtful


RHEILA'S POV


"Jusko, Lord..."


Paano mawala sa mundong 'to ng isang iglap?


Paano umalis sa kahihiyan?


Paano pigilan ang luha?


Paano-


Natigil ang pagtatanong ko sa isip nang biglang magsalita si Ma'am.


"Pinag-isipan mo ba 'tong gawa mo Ms. Garcia?


"Ma'am so-"


"Yes or no lang ang sasabihin." Putol pa ni Ma'am sa sasabihin ko kaya mas lalo akong kinabahan.


"Yes po."


"Then..." Pabitin pa na sabi ni Ma'am habang tinitingnan ang gawa ko. Nahiya naman ako bigla at kinabahan na naman ako. Narinig ko pa ang mahinang tawa nila Kim habang nailing.


Dapat pala hindi ko nalang pinasa...


"How did you create such amazing work?! You're quite creative! Oh, my god, this work made me so joyful and content! It's very beautiful!"


Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi ni Ma'am! Nanlalaki ang mata ko habang dahan-dahan akong tumitingin sa kaniya. T-tama ba 'yung narinig ko? M-maganda raw?! Tama ba ako? Hindi nga?! Baka naman nabingi lang ako?


Mga light colors lang ang ginamit ko sa drawing ko. Lahat ng mga natapunan ng juice ay nilagyan ko ng mga kanta ni Taylor Swift pero hindi siya words kundi 'yung parang nagre-represent don. Dinagdagan ko rin ng mga mukha niya. Naalala ko kasi 'yong mga pictures at concerts niya na nakikita ko lang sa YouTube.


"P-po?" Ang tanging nasagot ko nalang dahil sa gulat. Napatingin naman ako kina Kim na nakataas na ang kilay sa akin at parang hindi siya makapaniwala.


"Take a look at the work of your classmate! 'Di ba? Very beautiful!"


Wala na atang mas sasaya pa sa reaksyon ni Ma'am ngayon! Ang kaninang kaba at takot ko ay napalitan na ng saya. Napangiti nalang ako at bumalik na 'ko sa upuan ko habang hindi pa rin makapaniwala sa sinabi kanina ni Ma'am. Nang umupo ako ay pinagpatuloy na ni Ma'am ang pagche-check ng mga gawa ng kaklase ko.


"Omg bakla! Akala ko papagalitan ka! Hindi ko alam kung anong ginagawa mo ro'n kanina sa drawing mo pero jusko napakaganda! Alam mo? Masyado ka pong talented! Pinagpala kang lubos!" nakangiting sabi ni Christian at napakarami pa niyang sinabi sa akin na sinundan naman ni Micka.


"Ay true 'yan! Pinagpalang lubos, jusko ang unfair!"


Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon