Chapter 11

192 29 60
                                    

Safe


RHEILA'S POV


"Hoy pa'no kaya ngiti ko? Ganito ayos ba?"


Napatingin na lang ako kay Christian dahil sa tanong niya habang nakatingin siya kay Micka sabay ngiti. Pipicturan kasi kami ngayon sabi ni Ma'am para raw sa ID namin kaya ayan todo tanong at ayos silang lahat. Ang iba ay nagmemake-up pa at nagliliptint. Inaayos din nila ang kanilang mga buhok. Pero syempre ako ay nakatulala lang at hindi inaayos ang sarili. Hindi kasi mawala sa isip ko 'yung sinabi ni Lucas kanina.


Totoo ba 'yun?


"Uy ano't nakatulala ka riyan aber? Hindi ka ba mag-aayos ng sarili mo?" Nakapamewang na tanong sa akin ni Christian.


"Ah wala, 'tsaka hindi na ako mag-aayos. Pipicturan lang naman 'di ba?"


"Nako! Oo nga 'wag na, tingnan mo nga ikaw! Maganda kahit walang make-up! Tapos ang pula pa ng labi mo kahit walang liptint. Bongga!" Pumapalakpak pa na sabi ni Christian.


Hinihintay nalang namin si Ma'am dahil titingnan pa raw niya kung pwede nang pumunta ro'n sa court. Doon daw kasi kami pipicturan, kasama na rin ang ibang mga estudyante para raw sabay-sabay na.


Sa wakas at buti nalang ay dumating na si Ma'am kaya nagsitayuan na kami. Lumabas na kami sa classroom at pumila ng maayos.


"Find your height students at pumila ng maayos," sabi ni Maa'm kaya naman hinanap ko ang mga kasing taas ko. Pero, wala akong nakitang kasing taas ko o kahit mas maliit sa akin.


Letche na 'yan, ako 'yung pinakamaliit sa section na 'to?


Wala na akong nagawa kundi pangunahan ang pila ng mga babae dahil nga ako ang pinakamaliit. Hindi ko kilala ang nasa likod ko pero si Micka nasa bandang gitna. Kinawayan pa niya ako kaya naman kumaway rin ako sa kaniya.


"Ang bango ng buhok 'te." Rinig kong bulong ng nasa likod ko.


Ay hala, inaamoy niya 'yung buhok ko? Kaloka!


HInintay kong maayos na ang pila namin at lumakad na kami papuntang court. Dalawang hanay ang ginawa namin, magkahiwalay ang lalaki at babae.


"Si Mr. Enriquez ang kukuha ng picture sa inyo. May gagawin kasi siyang project para sa school," saad pa ni Ma'am habang naglalakad at tumango naman ang iba kong mga classmates. Gano'n din naman ako at pinagpatuloy ang paglalakad. Hindi ko naman kasi kilala 'yung Mr. Enriquez na 'yon.


Nakarating na rin kami sa court at marami na ring mga estudyante ang nadatnan namin. Umupo muna kami sa mahabang bench at tinabihan ako ng mga kaibigan ko.


"Ay ang taray! May pa ilaw-ilaw at ring light effect pa!" sabi ni Christian habang pinagmamasdan ang mga ilaw na tumatagos sa isang puting kurtina. Marahil ay ro'n pipicturan dahil nakikita ko ang ibang mga estudyante na pumapasok doon. Nakatalikod sa amin ang medyo may kalakihang kurtina na iyon kaya hindi namin makita kung sino ang nagpipicture o ang nasa loob nito. Pero okay lang naman sa akin kung sino man iyon dahil ngingiti lang naman ta's tapos na.

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon