Chapter 41

125 12 53
                                    

Trial


RHEILA'S POV


"At the end of November, we will have another contest. You can join these sports, badminton, basketball, chess, volleyball and etc. If you are interested, the trial will be at 1pm and just find the assigned place for you."


Nag-ingay naman ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ng aming guro. Nagkaniya-kaniya sila ng kwentuhan kaya nagmukhang palengke 'yung room namin dahil sa ingay! Sinuway naman sila ni Ma'am ngunit hininaan lang nila ang volume ng mga bibig nila.


"Uy girl ikaw? Meron ka bang sports?" tanong ni Micka. Naki-usisa naman sila Christian at Nath habang nakadungaw sa akin.


"Ako? Hmm, badminton?"


"Naks!" sabi ni Micka habang malawak ang ngiti sa akin.


"Ikaw ba?" Balik na tanong ko naman sa kaniya.


"Ako? Hmm, wala eh! Ano-ano lang ako, 'yung laro-laro lang gano'n kahit 'di marunong." Tumango naman ako sa kaniya at binalingan niya 'yong dalawa. "Kayo bang dalawa?"


"Ako? Volleyball?" sagot ni Christian.


"Volleyball din ako!" sagot naman ni Nath.


"Gaya-gaya ka!"


"Uy kapal mo!" Reklamo ni Nath habang masama ang tingin kay Christian.


"Tse! Tama na! Sali kayo mga sis! Omg, support ko kayong lahat!" magiliw na sabi ni Micka habang pumapalakpak pa!


"Ms. Garcia, ikaw ba? Nakita ko sa details mo na marunong kang maglaro ng badminton. Sumali ka." Nabaling ang tingin naming tatlo sa guro namin na nasa unahan at ngumiti naman sila sa akin.


"Ah, ita-try ko po, Ma'am!" Tumango naman ang guro ko at ngumiti sa akin.


"Ang talented mo naman, tapos ang ganda mo pa, sana all! May journalism ka pa, ano? Nako! Good luck!" sabi ng isang kaklase ko na malapit sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya at nagpasalamat.


"Salamat."


Um-attend muna ako ng klase ko dahil may exam daw kami ngayon. Nahirapan pa ako ng kaonti dahil ang iba sa mga tanong ay hindi ko alam at hindi naturo sa akin. Hindi kasi ako minsan na-attend ng class 'di ba? Kasi may practice ako ng Journalism. Hindi rin ako nakapag-review dahil huli ko na nalaman na may test pala! Pero...sa awa ng Diyos ay naka-perfect ako! Aaminin kong 'yong iba ay hula ko lang dahil hindi ko talaga sila alam! Multiple choices 'yung exam kaya medyo madaling manghula.


"Micka, ilan ka?" tanong ni Christian.


"48, Jie, ikaw?"


"Ako? Ano-"


"50 siya beh, perfect! Nako! Ako na ang sumagot dahil alam kong nahihiya na naman 'yan! Ewan ko ba riyan kay Rheila, perfect na nga nahihiya pa! Pero in fairness, galing mo! Partida wala pa 'yang review, ha!" Gaya nga ng sabi ni Christian, siya na ang sumagot para sa akin kaya nahihiya akong ngumiti kay Micka.

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon