Chapter 70

170 7 0
                                    

No Lose


RHEILA'S POV


"Idol pa-picture naman po ako, ang laki ng tarpaulin mo sa labas ng school, e!"


Natawa na lang ako kay Christian nang humanay na ako para sa flag ceremony namin. Gaya nga ng sabi niya, may tarpaulin na naman ako sa labas ng school namin bilang pagbati sa akin dahil nanalo nga ako ulit ako sa journalism. Syempre, nang malaman nilang lahat ay tuwang-tuwa silang lahat at kaniya-kaniya sila ng reaksyon. Ilang minuto pa nga ang pinalipas nila bago sila makamove-on, e!


Ngumingiti lang naman din ako sa mga schoolmates ko na binabati ako ng 'congrats'. Nagpa-picture pa nga sa akin 'yong iba at ang sabi nila ay idol daw nila ako! Nang matapos naman ang flag ceremony namain ay tinatawag na naman ako ng Coach ko at nagbigay lang ako ng kaonti speech.


Pagkatapos naman no'n ay dumiretso na kami sa room namin para mag-klase. May practice rin ako ng badminton after ng class dahil next week na 'yong laban ko. Gano'n din naman sila Lucas at sana ay hindi sabay 'yong laro namin para makanood ako ng laro niya. Ang saya kasing manood ng basketball! Napapasigaw ka na lang bigla kapag nakakashoot 'yong team niyo at grabe 'yong sigaw ng mga tao 'pag nakaka-three points 'yong iba. Lalo na si Lucas, halos lahat ng tao ay naghihiyawan dahil sa kaniya! Iba kasi 'yong aura ni Lucas kapag nasa loob siya ng court. 'Yong tipong natakbo lang siya para natakbo rin 'yong puso mo dahil sobrang bilis ng tibok ng no'n.


"Hey, baby! How's your practice?"


"Tiring," natatawang sagot ko kay Lucas nang sunduin niya ako pagkatapos ng practice ko ngayon.


"You can do it! Your badminton match is going to come up. Don't worry, baby. I'll be there to stand by you and support you. Just pray and slay."


"Will do, Coach." Natawa siya sa sinabi ko at naglakad na kami papuntang parking lot para sumakay na sa sasakyan niya.


Naging busy ako nitong sumunod na araw dahil papalapit na naman ang laban ko ng badminton. Minsan, magkasama kami ni Lucas at sabay kaming nakain. Minsan naman ay hindi. Hindi ko na rin nakikita si Cloud sa field na pinagpa-pratican nila kapag napunta ako ro'n kaya nakakaramdam ako ng lungkot minsan. Siguro tapos na silang mag-practice 'pag napunta ko ro'n.


"Tao po!"


Napatigil na lang ako sa pages-cellphone ko nang biglang may tumawag sa labas ng bahay namin. Pahinga ko kasi ngayong araw kaya nandito ako sa bahay at nagse-cellphone. Ka-chat ko rin si Lucas ngunit hindi na siya nag-reply dahil may practice sila ngayon. Basta ang huling chat niya lang ay 'be happy'.


"Wait lang po!"


Hinanap ko pa 'yong tsinelas ko dahil nawawala na naman 'yong isang kabaak no'n! Nang mahanap ko naman ay nagmadali akong lumabas para tingnan kung sino 'yong tao sa labas. Wala sila Mama ngayon dahil may pupuntahan sila at ang tanging kasama ko lang ay kapatid kong bunso na tulog.


"Ano po 'yon?" Tanong ko nang mabuksan ko nang tuluyan ang pinto.


Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon