Chapter 52

133 12 96
                                    

Great Birthday And Confession


RHEILA'S POV


"Gagi ang galing mong mag-report kanina! Napaka-angas mo!"


Recess na at nandito kami sa canteen at nagkukwentuhan. Kanina pa nila ako sinasabihan na kesho ang galing ko raw kanina gano'n.


"Ano ba kayo! Para kayong sira!"


"Ang astig mo na! Maganda! Sexy! Makinis! Matalino! Oh, ano? Sige teh, iyo na lahat!" sabi ni Christian at pabiro akong inirapan.


Natapos ang araw namin at umuwi na rin kaagad kami pagkatapos. Hinatid ako ni Lucas at hindi na rin siya nagtagal sa bahay dahil may mga assignments pa raw siyang gagawin. Ako rin naman ay may gagawin kaya nagpaalam na rin kami agad sa isa't isa.


"Hoy! Gaga ka! Birthday mo na pala sa Lunes!"


Napatingn naman ako sa sinabi ni Micka kinabukasan nang makapasok ako sa room. Gulat naman akong napatingin sa kanila at pinagsingkitan nila ako ng mata.


"O-oh eh ano naman?"


"Gagi! December ka pala?" tanong ni Nath at tumango ako.


Friday ngayon, so dalawang araw nalang ay birthday ko na. Hindi ko alam kung paano nila nalaman pero sa loob-loob ko ay masaya ako kasi alam nila kahit papano na birthday ko.


Naalala nila.


"Anong ganap sa birthday mo?"


"Huh? Wala, wala naman kaming perang pang-celebrate, 'no! 'Tsaka okay na sa akin 'yung buo at sama-sama kami!" Sabay-sabay naman silang nagsitanguan sa sinabi ko kaya ngumiti lang ako sa kanila.


Gaya kahapon ay natapos ang klase namin ng maayos. Umuwi na rin kami kaagad at hinatid na ulit ako ni Lucas. Nang matapos naman ang ginagawa namin ay nag-usap muna kami sandali sa IG.


lucasavriel:

I'm done! we can talk now : )


rheila.garcia:

paano kung ayaw kitang kausap?


lucasavriel:

it's okay, baby! I understand you

maybe you're tired, so you need to rest


rheila.garcia:

joke lang! hindi rin ako pagod


Nag-usap pa kami sandali at nang matapos akong kumain ay nag-chat na naman kami. Umabot din kami ng 10:00 pm kaya nagpaalam na kami sa isa't isa.

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon