Right Now...
RHEILA'S POV
"Kaya ko kaya kayong kalimutan?"
Napangiti na lang ako ng mapait habang nakatitig sa album na regalo ni Micka sa akin. Punong-puno 'yon ng mga picture naming magkakaibigan kaya habang tinitingnan ko 'yon isa-isa. Sabihin niyo nang ang tanga ko dahil tinitingnan ko pa 'yong mga picture namin tapos iiyak lang ako. Wala, e. Hindi pa rin ako makapaniwala sa kung anong nalaman ko kanina.
Pinagpatuloy ko naman ang pagtingin at pagbuklat ko sa picture naming apat. Natawa pa ako nang bahagya habang naluha dahil nandoon 'yong picture naming apat na puro chocolate ang aming mga mukha dahil nagpahidan kami ng chocolate galing sa cake ni Nath. Bigla ko namang naalala kung paano kami magtawanan noon at magpahidan, birthday ni Nath 'yon kaya magkakasama kami.
"Yehey! Happy birthday, Nath!" Nakangiting bati ko kay Nath nang hipan niya 'yong cake. Nakangiti lang ako sa kaniya ngunit ang ngiti ko ay napalitan ng tawa dahil biglang pinahidan ni Nath ng chocolate si Christian sa mukha!
"Tangina ka, Nath! Bakit ka nangpapahid ng chocolate! Kadiri ka!" Napatawa na lang kaming lahat dahil sa reklamo ni Christian. Sobrang lakas ng tawa namin ni Micka at mas lalo kaming natatawa dahil sa tono ng mga tawa namin. Pero, bigla namang tumigil si Micka sa pagtawa niya at ako naman ay pinagpatuloy ko lang ang pagtawa ko dahil may chocolate na rin siya sa mukha gawa ni Nath!
Sa kakatawa ko ay hindi ko na namalayan na nalagyan na pala ako ni Nath ng chocolate sa mukha! Tumawa naman sila at napaawang na lang ang labi ko nang magsabay-sabay silang tatlo na pahidan ako ng chocolate! Tumawa na lang ako at palihim akong kumuha ng chocolate mula sa cake at pinahid sa mga mukha nila.
Tumakbo na rin ako palayo sa kanila ngunit hinabol lang nila ako kaya wala na akong nagawa. Nagpahidan lang kaming apat hanggang sa mapagod na rin kami at tumigil dahil ubos na 'yong chocolate. Naghugas na muna kami ng kamay at nag-aya naman 'tong si Micka na magpicture.
"Tangina, kahit puro chocolate mukha ni Jie ang ganda niya pa rin!" Napailing na lang ako sa sinabi ni Micka habang tinititigan niya 'yong picture naming apat.
"Oo nga ang unfair!" sabi naman ni Nath. "Tayo mukhang nasubsob sa putikan tapos siya parang nasubsob sa putik na expensive."
"Baka 'kamo mukha tayong tae! Punyeta, pinapahirapan niyo pa sarili n'yo!" Natawa naman ako dahil sa sinabi ni Christian habang nagpupunas ako ng mukha.
Hindi nawala ang ngiti sa labi ko kahit na naluha ako habang inaalala ang bawat salita at alaalang nabuo naming apat. Kahit nasasaktan ako, tinuloy ko ang pagbubuklat at pagtingin sa mga picture namin. Nakita ko rin do'n 'yong mga pictures namin no'ng field at no'ng high school graduation namin.
"Paano na ako ngingiti ng ganito kaganda kung hindi kayo 'yong kasama?"
Napabuntong-hininga na lang ako at binuksan ko na rin 'yung regalo sa akin ni Aaron at Lance. 'Di ba dapat, kapag nagbubukas ng regalo, masaya? Eh, bakit ako naiyak? Walang tigil sa pagtulo 'yong mga luha ko, hindi sila tumitigil kahit punasan ko. Kinalma ko na lang ang sarili ko dahil napapagod na rin akong umiyak.
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Teen FictionMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...