I Love You Too
RHEILA'S POV
"Tangina, may pasok na naman!"
Natawa na lang kaming lahat sa reklamo ni Christian nang magpasukan na ulit. Grade 11 na kami at sana naman ay maging maayos ang taon na 'to sa amin. Magka-klase kami ni Micka kaya naman tuwang-tuwa ako dahil may kasama akong kilala ko! Sila Christian at Nath naman ay ibang strand kaya iba rin 'yong section nila. Gano'n din sila Lucas, iba 'yong strand nila.
"Kaya natin 'to! Kakayanin!" sabi ko at nag-group hug pa kaming lahat bago maghiwalay-hiwalay.
Naging maayos naman 'yong daloy ng mga araw ko bilang senior high school. Minsan din, palagi kong kasama si Aaron dahil sabay kami minsan ng break kaysa kina Lucas. Nag-try rin ako na mag-journalism ulit kaso hindi ko na natuloy dahil may nangyaring hindi maganda. Na-lock kasi ako sa bodega no'ng time na 'yon, and worst—ang daming mga daga at insekto ro'n! Nandoon ako sa bodega dahil nasama raw sa basura 'yong paper works ko! Yes, paper works ko kaya hinanap ko 'yon sa loob.
Hindi ko nga alam kung paano nasama 'yon sa basura, e! Nasa desk ko lang naman kasi 'yon at ipapasa na ko lang sa teacher ko. Then, pagkatapos ko sanang magpasa ay pupunta na ako sa isang room para mag-try na sumali sa journalism. Kaso, 'yon nga, na-lock ako sa bodega. And guess what? Si Aaron na man ang nakahanap sa akin kaya todo pasalamat ako sa kaniya. Sinamahan niya pa ako sa isang room para mag-try ro'n sa journalism kaso wala na, huli na ako. Ang dami ko ring kagat ng lamok no'ng time na 'yon at buti na lang ay hindi ako kinagat ng mga daga sa loob!
Hindi ko na rin sinabi kina Lucas 'yong nangyari dahil ayoko silang mag-aalala para sa akin. Nag-try out din ako sa badminton at sa doubles naman 'yong trinay ko para maiba naman. Kaso, no'ng laban na ay hindi kami nanalo no'ng kakampi ko. Magaling din kasi 'yong kalaban namin at sayang din dahil medyo dikit 'yong score namin.
"Happy Valentine's din sa inyo!"
Ngumiti ako sa mga bumabati sa akin, dahil ngayon ay February 14, araw ng mga puso. Yes, valentines na ulit! Ang bilis ng araw, 'no? Ilang araw na rin ang lumipas at ang mga araw na 'yon ay masasayang araw para sa akin. Medyo naging busy rin ako at ang schedule ko araw-araw ay sobrang puno. Papasok sa school, gagawa ng assignments, tutulong sa gawaing bahay at photoshoot para sa mga kumuha sa akin na maging ambassadress at model nila.
Noong nilabas din kasi ng mga staff ng SBC (Selene Beauty Cosmetics) 'yung mga pictures ko noong nag-shoot kami ay bigla na lang nag-boom 'yung likes, comments, and shares. Syempre, ang iba sa comments ay kung pwede raw akong kunin maging model gano'n. So, nag-decide 'yung SBC fam ko na tanggapin ko 'yung oppurtunity na 'yon dahil para naman daw 'yon sa akin. Sila na rin daw ang magga-guide sa akin sa lahat at iha-handle raw nila ako sa mga kukuha sa akin bilang model nila.
Naghalong saya at kaba ang naramdaman ko habang binabasa ang comments nilang lahat. Syempre, hindi mawawala ang mga negative comments pero mas lamang ang mga positive comments. Naiiyak din ako habang binabalita kay Lucas 'yon habang magkausap kami sa video call. Grabe talaga! Ang saya ko dahil hindi ko inakala na gano'n 'yung kakalabasan noong nilabas nila ang pictures ko.
Dinumog din nila ako ng messages sa messenger, twitter at Instagram. Dumami rin ang mga followers ko sa lahat ng social media accounts ko. HIndi talaga ako makapaniwala sa nangyayari! Sobra ring saya ng mga kapatid at magulang ko!
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Teen FictionMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...