Chapter 75

121 7 0
                                    

Day After Day Love


RHEILA'S POV


"Omg! Ang ganda! Ang dami pang pogi! Busog na naman mata ko!"


Natawa na lang ako sa sinabi ni Ate habang napapailing. Nandito kami sa isang beach resort na pagmamay-ari ng kaibigan ng Tita ko. Si Tita Jel, na kapatid ni Mama ko ang nag-aya na magbakasyon muna kami rito. Tatlong araw kami rito at si Tita Jel na raw ang bahala sa mga bayarin.


Syempre, pumayag na rin si Mama dahil bakasyon naman ngayon at wala naman silang ginagawa masyado. Except sa akin, dahil ang dami kong shoot na kailangan tapusin.


Inaya naman ako ni Ate na magpicture muna kami kaya wala na akong nagawa kung 'di sumunod sa kaniya. Naging photographer niya pa ako at buti na lang ay tinuruan ako ni Lucas kung paano kumuha ng larawan kaya magaganda ang kuha ko kay Ate.


"Ibang pose naman! Ngiti ka tapos fierce," ani pa ni Ate kaya sinunod ko siya. Ako na kasi 'yong pinipicturan niya. Nang matapos niya naman akong picturan ay kinuha ko 'yung isang liptint na kailangan kong i-endorse. Kaya nag-liptint ako at pinicturan naman niya ako.


Nag post na rin ako sa mga social media accounts ko na 'I'm wearing a shade of blablabla...' Gano'n naman kasi dapat ang ginagawa ko, promote ko lang 'yung mga products nila. Masaya naman, nakakatulong din kasi ako sa kanila na makilala kahit papano. Dumadami na rin ang followers ko dahil sa ginagawa kong pagmo-model. May kumuha pa sa akin na isang modeling agency kaya mas lalong dumami ang followers ko.


Matapos kong mag-post ay inaya na naman ako ni Ate mag-picture sa may dagat. Kanina kasi ay tanging magandang kubo lang ang background view namin. Nasisinagan din kami ng araw kaya nagiging maganda ang kuha namin.


Nakasuot lang din isang puting long sleeves polo na tinack-in ko sa maong shorts ko. Hindi naman gano'ng ka-fit sa katawan ko 'yung polo kaya medyo malaki siya sa akin. Binuksan ko rin ang dalawang butones no'n sa taas at binaba ko 'yung isang sleeve pababa sa balikat ko dahilan para makita ng bahagya ang balikat ko. Kinulot din si Ate 'yung buhok ko kaya nakalugay lang ako.


Suot ko pa rin naman 'yung bracelet na bigay ni Nath sa amin at 'yung bracelet na sinuot sa akin ni Lucas noong acquaintance namin, 'yung time na tinanong niya ako kung pwede raw bang manligaw. Simula no'ng binigay nila 'yun sa akin, hindi ko 'yun inalis kahit sa pagligo ko. Wala lang, mga importanteng tao kasi sa akin 'yung nagbigay sa akin no'n, e.


"Ate! Mamaya na lang ulit! Kumain muna tayo," sabi ko at napakamot naman siya sa ulo niya.


"Sige... Basta magsu-suot ka ng swimsuit, huh!" Nanlaki naman ako mata ko dahil sa sinabi ni Ate at nang hahampasin ko siya ay bigla siyang tumakbo!


"Ayoko! Wala akong dalang gano'n!" Sigaw ko habang hinahabol ko siya.


"Ako meron! Prepared ako, girl Girl's scout things!"


"Ayo—aray!"


Napa-aray na lang ako nang mabunggo ko ang isang lalaki dahilan din upang madapa ako. Dahan-dahan naman akong tumayo at may nakita akong kamay na nakalahad sa akin. Tinanggap ko naman 'yung kamay niya habang hindi tumitingin sa kaniya at tinulungan niya akong tumayo. Nang makatayo ay pinagpagan ko ang sarili ko nang hindi pa rin natingin sa kaniya.

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon