Picture
RHEILA'S POV
"Ano? S-sandali!"
Napahawak na ako sa dibdib ko dahil ang bilis ng tibok ng puso ko! Bakit ba bigla-bigla siyang nasulpot? Parang siyang kabute!
"Are you, okay?"
Hindi.
"Ha? O-oo, okay lang ako. Medyo nagulat lang."
"Sorry."
"Eh, bakit ba kasi bigla-bigla ka nalang bumubulong ha? Papatayin mo ba ako?" Tulala lang siya habang nagsasalita ako at...nakangiti siya.
"Hoy! Kinakausap kita, bakit ka nangiti riyan? Baliw ka ba? Bahala ka nga," sabi ko at umalis na.
"Hey! Wait! Sandali!"
"Bakit?" tanong ko sabay tingin do'n sa kamay niyang nakahawak sa braso ko! Agad din naman niyang tinanggal ang pagkakakapit sa braso ko.
"May car ka ba? O driver na susundo sa 'yo? Pwedeng sumabay? Babayaran ko nalang 'yung driver mo," tanong niya na ikinatawa ko ng bahagya.
"Ano kamo? Car? As in kotse? Tapos driver? Nagpapatawa ka ba?" usal ko habang natatawa. Napatunganga naman siya sa akin at tinitigan ang mukha ko.
"Yes, car. Why?"
"Wala akong car at hindi ako mayaman." Nakangiti kong sagot.
"Really? Are you kidding me, right?"
"I'm not."
Kapag talaga nag-eenglish kausap mo, napapa-English ka na rin eh 'no? Damay-damay lang.
"Hindi ka mayaman?"
"Hindi," sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya.
"Really? Sure ka?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
One dot, babatukan ko na 'to.
Joke, bad pala 'yun.
"Oo nga! Ang kulit mo! Kung ayaw mong maniwala, edi 'wag." Gaya ng ginawa ko kanina ay umalis na naman ako sa harap niya.
"Wait!"
"Oh, ano na naman?"
"Pa'no ka uuwi?"
Gagapang siguro?
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Teen FictionMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...