Too Soft
RHEILA'S POV
"Smile more!"
Pinilit ko na lang ang sarili kong ngumiti habang nasa shoot ako kahit na ang dami kong iniisip. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kinakausap si Lucas magmula no'ng gabing nag-usap kami. Hindi ko rin alam sa sarili ko, e. Ayaw ko lang muna siya makausap ngayon. Gusto ko lang munang mag-focus at pag-aaral ko at sa shoot.
"Okay ka lang ba, Miss Rheila?"
"Po? Opo... Okay lang ako..." Ngumiti ako sa isang staff habang nagre-retouch kami.
Ngumiti ko na lang ako ng peke nang makabalik ako sa pagsho-shoot dahil kaya ko namang mag-pretend na masaya ako. December na rin ngayon at malapit na rin ang birthday ko. Pero may exam kami that day so siguro, hapon na lang kami pupunta sa Kamay ni Hesus. Hindi na rin ako pumayag na mag-handa ng bongga dahil ayaw ko no'n. Well, may budget naman kami para ro'n pero parang nanghihinayang ako. Mas maigi nang ipunin na lang namin 'yong pera na gagamitin pang debut ko. Kumain na lang din siguro kami sa isang restaurant kahit papano ay ma-celebrate namin 'yong b-day ko.
"Excuse me."
Napatabi na lang ako bigla nang mabunggo ako ng isa sa model ng agency namin. May shoot din kasi ako kasama sila at hindi ko alam pero parang naiinis sila akin. Napatabi na lang tuloy ako dahil ang sama ng tingin nila sa akin. Nasa rest room ako ngayon para maghugas ng kamay.
"You know girl? You're so pretty... But tumataba ka yata? So, gross! Ang sexy mo before but what now? Napabayaan ka ba sa kitchen? Or baka naman naparami 'yong kain mo no'ng summer?"
Napatungo na lang ako dahil sa sinabi niya. Tinapos ko na lang 'yong paghuhugas ko ng kamay at hindi na ako tumingin sa kaharap kong salamin dahil alam kong do'n niya ako tinitingnan.
"Sorry, ah?" sabi ko bago ako lumabas ng rest room.
"So taba, kadiri!"
Napabuntong hininga na lang ako nang marinig ko pa ang pahabol na sigaw niya. Aware naman akong nataba nga ako lately, pero hindi naman gano'ng kataba na sobrang taba talaga. Alam ko na rin 'yon na tumataba ako dahil ang daming nagsasabi sa akin sa social media na kesho ganiyan daw gano'n. Sa mga pictures ko sa bawat shoot, may comment sila na sobrang below na belt na.
Wala naman sigurong masama kung nataba ka, 'di ba?
Dumadagdag pa nga sa isip ko 'yong mga sinasabi ng ibang tao sa akin, e. Hindi ko na lang din nire-replyan dahil masasayang lang oras ko. Sabi ko rin kina Ate ay 'wag na lang pansinin dahil mapapagod din naman sila. Ang lungkot lang kasi kapwa babae ko pa 'yong nagba-body shame sa akin. Bakit daw ako naging mataba gano'n. Dati raw ang payat ko, ngayon ay mataba na. Pinapamukha rin nila sa akin na mataba na talaga ako.
"Hoy, Jie! Ang ganda mo sa latest photoshoot mo!"
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Roman pour AdolescentsMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...