Chapter 19

161 19 38
                                    

Need Me?


RHEILA'S POV


"Flowers for you."


Napatingin ako sa nakangiting si Lucas kaya napangiti na rin ako. Nako! Buti nalang hindi ako nagulat. Bigla-bigla kasing nasulpot sa harap ko!


"Ang ganda," sabi ko habang pinagmamasdan ang bulaklak na hawak niya.


"Yeah, these flowers are pretty but you're even prettier," aniya sabay kindat. Tinanggap ko naman ang inaalok niya at nsaramdaman ko namang namula nanamang 'tong malanding pisngi ko.


Wala kasi sa lugar, bigla-bigla nalang mamumula...


Aaminin kong hindi maalis sa isip ko 'yung sinabi ni Aaron kanina. Umalis na rin kasi siya kaagad pagkatapos niya akong isayaw at ako naman ay naiwang tulala kanina. Buti nalang ay dumating si Lucas at nawala kahit kaonti 'yung pag-iisip ko.


"Can I dance the most beautiful girl I've ever seen and the most skittish girl?" saad niya habang nakangisi sa huling sinabi niya. Napangiwi naman ako. Maganda na sana eh, kaso bumunat ng skittish girl. Tse! Bwisit na lalaking 'to, eh ano naman kung magugulatin ako?


Kahit na inis ay tinanggap ko pa rin ang nakalahad niyang kamay. Ay ang lambot talaga ng kamay nito! Hindi 'ata nagawa ng gawaing bahay 'to eh!


"Ahm, sorry," aniya habang nasa kalagitnaan kami ng sayaw.


"Huh? Para sa'n?"


"Sa ano, hindi pagpansin sa 'yo lately? I know that feeling mo iniiwasan kita. And sorry about that."


"Nako! Wala 'yon! Okay lang," nakangiti kong sabi kaya naman napangiti rin siya.


"I'm so sorry, the reason why is ano gawa no'ng nangyari kanina. Pinaghandaan ko talaga 'tong araw na 'to. From design, lighting, lahat pati mga tao. Sorry again kasi feeling ko 'pag 'di kita iniwasan, parang hindi ko magagawa 'yon. You know? I need time to prepare to make it perfect. Alam mo rin ba? Ayaw talaga kitang iwasan kasi nasanay na akong makita 'yang maganda mong face. Like ugh it's hard for me." mahabang kwento niya habang sinasayaw ako. Pero kahit gano'n, hindi niya nakalimutan na sabihin sa akin na ang ganda ko.


'Yun lang pala 'yon, akala ko may problema na siya o ano. Raming kaartehan ha?


"Tse! Okay lang, basta 'wag mo na uulitin ha? Kakatayin kita ng buhay riyan 'pag inulit mo!" Dahil sa sinabi ko ay napatawa naman siya.


"Yes ma'am."


"Anong ma'am ka riyan!"


"Fine, baby."


"Anong baby-" aangal pa sana ako nang makita kong nakataas ang kilay niya. Ginaya ko rin naman ang ginawa niya. Tinaasan ko rin siya ng kilay na siyang ikinatawa niya.

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon