Everyone Feels Proud
RHEILA'S POV
"We've all been waiting for this for a while! Winners will be announced! Excited na ba kayo?! Yes or oo?!"
Lahat 'ata ng tao sa Arena ay nagsisigawan at ang iba ay kinakabahan pa! Aaminin ko, isa na ako ro'n. Pati ang mga schoolmates ko na kasali ay kinakabahan na rin.
Sino ba namang hindi?
"Maganda ba 'yung kinalabasan ng sayaw natin? Baka kasi matalo tayo, gawa ni Jiemmelyn. 'Di ba kasi, late na—" Rinig kong sabi ng isang babae pero tumigil din nang magsalita si Christian.
"Hoy babae! Naririnig ka namin! Anong gawa ni Jie ha?! Eh ano naman kung matalo tayo? At least, ginawa pa rin natin 'yung best natin! Chaka mo!"
Inawat ko na siya at tinaas niya pa ang gitnang daliri niya sa pagmumukha no'ng babae kaya bigla itong tumahimik.
"Tama na, okay lang. Pero may point naman siya, baka gawa ko kung matalo—"
"Huy! Ano ka ba! 'Wag mong sisihin sarili mo! Ang galing at ang ganda mo kaya kanina! Napanood ko sa video!" Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Micka. Niyakap naman nila akong tatlo at hinagod ang likod ko. Natawag na pala ang 3rd place nang hindi namin namamalayan.
"And then...our 2nd place winner is..." May drum pang tumunog at kasabay no'n ang mabilis na pagtibok ng puso ko! Nahawak na rin sa kamay ko sila Micka at lahat sila ay nakatungo at nakapikit.
"Congratulations to...Saint Joseph National High School!"
Huminga ng malalim ang mga kaibigan ko at kani-kaniyang ngumiti kahit halatang kinakabahan. Natawag na rin ang 1st place na nanalo kaya kaya todo pisil ang mga kaibigan ko sa kamay ko.
"Uy aray, masakit!"
"Ay beh sorry, jusko! Matatanggal na 'ata ang puso ko dahil sa kaba!" sabi ni Christian habang hindi mapakali sa kinatatayuan.
"May puso ka pala?" Pang-babara ni Micka kaya nabatukan lang siya ni Christian.
"Iba 'yung dating sa akin...pero kinakabahan din ako!" Tumawa pa ng bahagya si Nath kahit halata talaga sa mukha nila ang kaba.
Nasa bleachers sila Lucas at ang pamilya ko kaya tumingin ako ro'n at napangiti na lang ako dahil nakatingin lang sila sa akin. Kumaway ako sa kanila at ngumiti sabay thumbs-up sa kanila.
"Ay jusko!"
Napatakip na lang ako bigla ng bibig dahil ang lakas no'ng tunog ng drum! Jusko, parang pati yata puso ko, tinatambol!
"Our, grand champion is from..."
"SOARIAN!"
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Teen FictionMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...