Chapter 10

229 32 60
                                    

I Like Her


RHEILA'S POV


"Good morning!"


Kinabukasan, nagawa ko pang bumati ng 'good morning' sa sarili ko dahil wala naman akong babatiin na iba dahil tulog pa ang katabi ko. Hindi ko rin alam sa sarili ko, parang ang ganda ng gising ko. Umunat pa ako para naman mabatak ang mga buto ko sa katawan. Nagising din kasi ako dahil sa tunog ng cellphone ko! Kaya agad akong tumayo para tingnan kung bakit ito tumutunog. Tulog pa si Ate at naghihilik pa. Pagkakuha ko ng cellphone ay biglang tumigil ang tunog na naririnig ko kani-kanina lang.


Ay hala anyari?


Nakita ko sa screen ng cellphone ko ay may nakalagay na 129 missed calls at 63 messages mula kay Lucas. Anong ibig sabihin no'n? Ay alam ko na! Nagmessage siya sa akin kaso hindi ko nabasa? Tama ba ako? Muntik na akong mapasigaw nang bigla nalang ulit tumunog ang cellphone na kapit-kapit ko. Nakita kong tumatawag si Lucas kaya naman sinagot ko ito kaagad.


["Baby, why didn't you pick up the phone when I called last night-"] mabilis at parang inis niyang sabi pero napatigil siya nang marinig akong magsalita.


"Hello?" Inaantok pang tugon ko. Rinig ko na bumuntong hininga siya sa kabilang linya.


["Baby naman, alam mo bang naiinis ako? Tapos narinig ko lang boses mo parang nawala inis ko. Ano bang ginagawa mo sa akin ha?"] Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.


"Bakit ka naiinis sa akin ha? At 'tsaka malay ko sa 'yong bwisit ka! Agang-aga ha! Wala akong ginagawa sa 'yo 'no, kapal mo!" inis na sabi ko dahil sinisira yata niya ang araw ko. Ang ganda ng gising ko, tapos masisira lang dahil sa kaniya? Mahina lang naman ang pagkakasabi ko dahil baka magising ang Ate ko.


["Bwisit."] Kahit nasa kabilang linya ay alam kong natango-tango siya. ["Baby you always saying 'bwisit' to me. I'm bwisit ba talaga?"]


"Gusto mo ng real talk?"


["Fine. Baby by the way, good morning!"]


"Walang maganda sa umaga."


"Meron kaya! Ikaw," sabi niya at alam kong nakangiti siya. Napangiti rin naman ako sa sinabi niya ngunit agad ding binawi.


Corny naman ng banat...


Natapos na rin ang pag-uusap namin at puro kahanginan lang niya ang naging pag-uusap namin! Tapos na rin ako mag-ayos para sa school at hinihintay ko nalang si Ate, maaga pa naman kasi. As usual, ang ayos ng aking buhok na mahaba ay nakalugay na naman, naglagay lang ako ng violet na ribbon sa tuktok ng ulo ko. Binigyan na rin ako ni Papa ng baon at dala-dala ko na rin ang cellphone na bigay ni Lucas dahil sabi niya kanina ay dalahin ko raw.


"Hi, Rheila! Ganda pa rin natin ha?"


Nagulat na lang ako sa biglang bati sa akin ni Edward na classmate ko dati. Nandito na kasi ako sa labas ng bahay at nag-aantay. Napadaan siya at mukhang papasok na rin siya.

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon