Real Love
RHEILA'S POV
"Oh, shit!"
Hindi ko pinansin ang mura na narinig ko mula kay Lance. Nakatitig lang ako kay Lucas na gulat na ngayon at sa babaeng nakayakap sa kaniya. Naramdaman ko namang may yumakap sa akin dahil kanina pa nasa ere 'yung braso ko na sasalubong sana kay Lucas ng yakap.
"Aaron..."
Pinigilan ko 'yong sarili kong umiyak. Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko at sa yakap ni Aaron ay parang gusto kong umiyak. Sinalo lang naman niya si Lucas. Si Lucas dapat ang nakayakap sa akin ngayon at hindi si Aaron. Magpasalamat na lang din siguro sa kaniya 'no? Salamat sa kaniya dahil kung hindi niya ako niyakap, baka napahiya na ako rito sa gitna. Nakabuka lang naman kasi 'yung kamay ko, may sasalubungin kasi sana ako ng yakap kaso 'yung yayakapin ko may kayakap ng iba.
"What the fuck?"
Biglang lumayo sa yakap si Lucas at bahagya niyang natulak 'yong babae. Mas lalong nanlaki 'yung mga mata niya nang makita ang mukha no'ng babae. Kumalas na rin ako sa pagkakayakap sa akin ni Aaron at ngumiti lang ako ng pilit sa kaniya.
"K-kim?"
"Yes, that's my name. Kim, Kim Asheley," maarteng sabi no'ng babae.
Pinagmasdan ko naman siya at parehas kami ng uniform na suot, siguro ay rito rin siya mag-aaral? Pero 'yung blouse niya ay ginawa niyang crop top! Hindi naman niya ginupit or tinahi, tinupi niya lang hanggang sa tiyan niya at tinali sa harap niya. May bag din siyang dala na may logo ng Chanel. May black shoes din siya na suot at may wedge heels 'yun at naka-high socks siya.
Nakatitig lang si Lucas sa kaniya at hindi maalis 'yung tingin niya ro'n sa tinawag niyang Kim. Napatingin sa akin 'yung babae ngunint kahit nasa akin 'yung titig no'ng babae ay nakatitig lang si Lucas sa kaniya. Napalunok naman ako ng malalim at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Maganda siya, matangkad, may kaonting make-up pa siya sa mukha at ang ganda ng hubog ng panga niya. Matangos din ang ilong niya at ang ganda ng mga mata niya.
Napatigil naman ako sa pagtitig sa kaniya nang biglang mag-ring ang bell. Tumingin muna ako kay Lucas at nakita kong parang may namuong luha sa mga mata niya. Hindi ko nalang 'yun pinansin at umalis na ako sa harap nila at narinig ko pa ang tawag ni Lucas sa pangalan ko ngunit hindi ko 'yun pinansin.
"Oh? Anong nangyari sa 'yo? Bakit parang namumula mata mo? Umiyak ka?"
Hindi ko pinansin ang tanong ni Nath at naupo nalang ako sa katabi ni Micka. Tulala ako ngunit para akong binuhusan ng malamig na tubig nang biglang pumasok 'yung Kim sa loob ng classroom namin! May dalawa siyang kasamang babae at umupo sila sa may unahan. Mukhang hindi niya ako napansin at napahawak nalang ako sa noo ko.
C-classmate ko siya?!
"Huy, okay lang?" tanong ni Micka kaya tumango ako.
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Novela JuvenilMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...