Chapter 29

142 13 28
                                    

Another Day With You


RHEILA'S POV


"Sulit-sulitin na natin ang free time natin dahil paparating na ang busy day!"


Nagsisang-ayunan kami kay Micka sabay inom ng juice. Nandito lang kami sa canteen at parang ginawa nilang party 'to dahil sobrang daming pagkain! Sa sobrang dami, binigyan ko na 'yong ibang students sa katabi naming table ng pagkain. Nagpasalamat naman sila sa akin at nagpapicture pa sila, jusko!


Gaya nga sabi ni Micka, paparating na ang busy day dahil malapit nang mag-September. Hindi pa naman gano'ng karami 'yung ginagawa namin sa school ngayon. Reports lang at minsan ay mga assignments. Sabay-sabay rin kaming nagre-review sa library kasa sila Lucas para walang maiwan. Ako na rin 'yung nag-suggest na gawin 'yun dahil gusto ko lahat kami ay makapasa.


Napatigil naman sila Micka sa pagnguya at nagtaka pa ako sa tinitingnan nila. Tumingin naman ako sa tinitingnan nila at napamaang nalang ako sa lumalakad na parang beauty queen na si Kim! Ginawa na namang niyang crop top 'yung blouse namin at tinali sa unahan. Naka-high socks na naman siya at naka-black shoes na may heels. Umaalon din 'yong buhok niyang mahaba at hindi ko namalayan na nasa harap na siya ng table namin!


"Hi! Can I join alongside you guys?"


Bahagya akong napaamang at bumuka ng bahagya 'yung labi ko dahil sa tanong niyo. Ngumiti pa siya sa amin at nag-flip pa siya ng hair! Maarte siyang tumingin sa amin habang ang kaniyang pilik-mata ay palong-palo sa pagkurap.


"Hindi pwede..." Bulong ko at mukhang narinig niya dahil sumama ang tingin niya sa akin!


"Ay hindi sige, pwede naman. Upo ka na." Kahit labag sa loob ko ay pinaupo ko siya.


Mas lalo akong napamaang nang maupo siya sa katabi ni Lucas at 'yong dalawa niyang kaibigan ay pinaggitnaan si Aaron! Hindi ko kasi katabi si Lucas, magkaharap lang kami at 'yong mga kaibigan ko 'yung katabi ko.


Nag-aalalang tingin ni Lucas ang bumungad sa akin nang tingnan ko siya at nag-sign lang ako sa kaniya ng 'okay lang'. Hindi na rin naman ako naninibago kay Kim. Ganiyan din siya minsan, bigla-bigla nalang nasulpot kagaya no'ng nasa coffee shop kami ni Lucas! Wala siyang kasama that time at nagmukha tuloy akong third wheel nila dahil sila 'yong magkatabi! Syempre ako sabi ko ay 'okay lang' pero nang dumating 'yung order namin ay biglang tumabi ni Lucas sa akin kaya napangisi nalang ako ng palihim.


"Gusto mo?"


Nagulat at nanlaki ang mga mata ko nang magsabay kami ni Kim na magsalita at mag-alok ng ice cream kay Lucas! Parehas pa kami ng sinabi kaya nagkagulatan kami! Nakatingin lang naman sa amin 'yung mga kaibigan namin habang tinatawanan kami! Nahiya naman ako at napatungo ngunit kinuha ni Lucas 'yung ice cream na hawak ko kaya naiwan sa era 'yung kamay ni Kim na may hawak na ice cream. Bigla namang kinuha ni Lance 'yung ice cream na hawak ni Kim at kinain.


"Akin na lang, ha?" Napatango si Kim ng dahan-dahan kay Lance at umirap nalang sa kawalan.


Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon