Chapter 86

665 11 2
                                    

Emotional Farewell


RHEILA'S POV


"Nag-iipon ako para sana pampagawa ng pangarap mong bahay, kaso nagamit ko lang pang-gastos dito sa lamay."


Napangiti na lang ako ng mapait habang lumuluhang nakatitig sa kaharap kong kabaong. Ang sakit, hindi ko talaga matanggap. Kung masakit na 'yong pagsinungalingan ka ng mga tao sa paligid mo, pinakamasakit itong nangyayari ngayon. Parang kailan lang, kasama ko si Mama sa lahat ng pagkakataon, ngayon ay kahit kailan ay hindi na mangyayari 'yon.


"Rheila, kumain ka na. Tatlong araw ka nang hindi nakain simula no'ng... m-mawala si Mama..." Hindi ko pinansin si Ate JK na kanina pa ako pinapakain.


"Ayoko, wala akong gana."


Tatlong araw.


Tatlong araw na akong ganito at alam ko naman 'yon. Tatlong araw na akong umiiyak at hindi makausap nang maayos. Alam kong naiinis na rin lahat ng kapatid ko sa akin dahil hindi talaga ako kumakain at palagi lang akong tahimik.


"Ate Uela, 'wag ka na pong umiyak. Baka po magising si Mama, oh. Natutulog po siya kaya "shh" ka lang po."


Mas lalo pa akong naiyak dahil sa bungad nang kapatid ko sa akin. Niyakap ko na lang siya nang mahigpit na agad naman niyang sinalubong ng masiglang yakap. Hindi ko maipaliwanag sa kapatid ko ng maayos 'yung nangyari kay Mama. Kahit sila Ate JM, hindi masabi dahil baka hindi niya maunawaan. Pero siguro naman, habang tumatakbo ang oras at nagpapatuloy ang araw, maiintindihan niya rin.


Marami ring tao ang nabisita rito kay Mama at lahat sila ay hindi ko pinapansin. Batiin man nila ako, hindi ako tumutugon. Bastos na kung bastos pero kapag kasi tumitingin ako sa lahat ng tao, lalo na kapag kasing edad lang ni Mama, nakikita ko lang siya sa mga mata nila.


Ang sakit lang din para sa akin dahil sa mismong birthday ko pa namatay si Mama. Kada maaalala ko 'yung araw kung paano niya ako batiin sa huling hininga niya, hindi ko maiwasang lumuha at alalahanin na lang ang lahat ng mga magagandang alaala naming magkasama.


"Mama! Ano pong gusto niyong bahay? Like, dream house niyo po?"


Nagtaka naman si Mama dahil sa biglang tanong ko. "Dream house ko?"


"Opo!" Ngumiti ako nang malawak at tumabi ako sa tabi niya. Kakauwi ko lang ngayon galing shoot kaya nandito na 'ko sa bahay para magpahinga.


"Simple lang gusto ko, anak. Pero gusto ko malaki, marami kasi tayo, e." Natawa naman ako nang bahagya dahil sa sinabi ni Mama. "Gusto kong bahay ay may kaniya-kaniya kayong kwarto na magkakapatid tapos kung anong gusto niyong kulay o design ng kwarto ay syempre masusunod dapat para masaya kayo. Tapos gusto kong kulay ng bahay ay white at blue. Syempre may kusina, malaking sala para pwede tayong lahat doon, tapos banyo na may bathtub, shower at kung ano-ano pang mga kagamitan sa banyo na wala tayo." Sabay naman kaming natawa ni mama dahil sa huling sinabi niya. Timba at tabo lang kasi mayroon sa banyo, e. Syempre, may inidoro rin kami, 'no!

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon