Unlimited Judgement
RHEILA'S POV
"Excuse me!"
Napatingin kaming apat nila Micka sa maarteng boses mula kay Kim. Nasa classroom na kami at nakaupo, nag-aantay nalang kami ng teacher. Nagka-ayos na rin kami ni Lucas kahapon at kumain pa kami sandali sa isang fast food chain. Natawa na nga lang ako sa sarili ko at tinanong kung nag-away ba kami ni Lucas para magka-ayos kami?
Nagulat pa ako nang biglang nagsitayuan sila Christian at pumunta sila sa likod ko. Tumaas naman bigla ang kilay ko at tumingin kay Kim. Inisip ko rin kagabi kung bakit iba 'yung pakiramdam ko sa Kim na 'to, e. Pero sinabi ko nalang sa sarili ko na 'wag nalang siyang pansinin at hayaan nalang.
Unbothered era muna tayo ngayon.
"B-bakit?" Kinakabahang tanong ni Micka. Tiningnan naman siya ni Kim at tinaasan ng kilay.
"Shut up and don't talk, ugly girl," sabi niya kay Micka dahilan upuang tumango at tumungo si Micka. Tumingin naman ako kay Kim nang nagtataka at nagsalita siya.
"Hey! Now I know why you don't want to be friends with us. Kasi you want poor and mabaho right? Ugly, stupid and poor people!" sabi niya at pinasadahan ng tingin ang tatlo kong kaibigan.
"Oh, may bakla pa! So kadiri! May morena at nerdy pa! Ikaw lang 'yong different."
Muntik pa ako matawa dahil sa sinabi niya. Tama nga si Micka, girl version siya ni Lucas. Pero hindi ko alam kung anong gusto niyang mangyari ngayon. Pagkapasok ko kasi kanina ay tinanong niya ulit ako kung gusto ko bang makipag-friends sa kanila. Syempre, ang sagot ko ay 'ayoko'. Umiling lang din ako sa kanila at parang nairita naman si Kim sa sagot ko kaya ganito siya ngayon at nang-iinsulto na.
"You're pretty na sana, e, kaso 'yung mga na-pick mo na friends hindi bagay for you. Right girls?"
"Yeah." Pagsang-ayon pa ng mga kasama niyang babae.
Sabi ng mama ko dati, kapag daw may nang-aaway o kung ano-ano ang pinagsasabi sa akin, hayaan ko nalang dahil mapapagod din daw sila. 'Wag nalang daw akong magsalita. Magsalita lang daw ako kapag hiniling nila.
"Don't you have anything to say? Are you dumb?" maarteng tanong na naman niyo sa akin.
"Girl, baka naman walang masabi, maybe she's takot?" sagot no'ng nasa kanan niya at tumawa pa.
"Ano? Will you speak or not?"
"Bakit? May sasabihin ba ako? Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong sasabihin sa inyo." Ngumiti lang ako sa kanila ng pilit. Hindi ko na kasi napigilang hindi magsalita at harapin sila. Naramdaman ko namang hinawakan ng mga kaibigan ko ang braso ko.
"Rheila, 'wag mo nang patulan." Bulong pa nila.
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Teen FictionMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...