Great Night
RHEILA'S POV
"Napakaganda mo naman!"
Napailing na lang kay Ate JK dahil sa sinabi niya habang nakatitig sa akin. Dumating na kasi ang araw ng prom namin at ngayon ay nakabihis na 'ko. Sa awa rin ng Diyos ay natapos namin 'yong gawain at requirements namin ng mga kaibigan ko. Natapos na rin nila Lucas 'yong kanila kaya naman wala na rin silang iisipin, maging kami.
"Nakakalula 'yang ganda mo! Para kang barbie na anghel na dyosa!"
"Ate, kanina mo pa sinasabi 'yan! Hindi ka ba napapagod?" Tanong ko habang inaayos ng bahagya 'yong buhok kong nakakulot at nakalugay. May hair band din akong suot na nakulay ng suot kong gown.
"Aba, totoo naman, e! Ang ganda-ganda mo!"
"Wala akong lima." Nahampas niya naman ako bigla sa braso ko kaya naman napa-aray na lang ako. "Aray, ah!"
Inirapan niya lang ako at nagsimula na naman siyang purihin ako! Nakasuot lang ako ngayon ng gown at syempre, violet ang kulay no'n. Medyo hapit 'yon sa katawan ko naman kitang-kita 'yong korte ko. Medyo flowy rin 'yong baba at hapit din 'yong nasa may bandang dibdib ko. Sakto lang naman 'yong laki no'n kaya nakakagalaw ako ng maaayos. May design din 'yong gown ko at naka-sandals lang din ako dahil hindi naman kita 'yong paa ko dahil natatakpan 'yon ng gown ko. Baka kasi matapilok pa ako kapag nag-heels ako, e.
Naka-make up din ako dahil kanina ay may pumunta ritong make-up artist. 'Yong gown ko naman ay binili nila Mama kaya todo angal ako sa kanila na pwede namang arkilahin na lang. Simple lang naman 'yong make-up dahil sabi no'ng nag-make up sa akin ay hindi ko na raw kailangan ng make-up dahil maganda na raw ako.
"Napakaganda talaga ng anak ko," saad ni Mama habang hinahawakan ang mukha ko.
"Ma, maganda ka rin po."
"Sus!" sabi niya pa habang bahagyang inaayos ang buhok ko.
Gaya nila Ate at Mama, pinuri pa ako nila Kuya at Papa kaya naman sobrang lawak ng ngiti ko sa labi. Nag-picture picture pa kami sa phone ko at si Kuya JL ay todo puri sa akin na hindi na raw ako manang. Inaambahan ko lang naman siya ng suntok ngunit tinawanan niya lang ako. Sinagot ko rin 'yong tawag ng pamingkin ko dahil natawag siya sa akin sa messenger.
"Wow! Ang pretty naman ng Tita Uela ko, ah! Mommy, tingnan mo po si Ate Uela, ang ganda!" Natawa na lang ako sa sinabi ng pamangkin ko habang kausap ko sila. Ang cute-cute niya rin kaya naman nakakatuwa.
Sandali pa akong nakipag-usap sa akin at pinatay ko na rin ang tawag dahil kailangan ko nang umalis. Nag-text kasi sa akin si Lucas na nasa labas na raw siya ng bahay at nag-aantay. Sandali ko pang inaayos ang buhok ko at tumingin pa ako sa salamin dahil baka nagulo 'yong make-up. Nang matingnan ko naman ay maayos naman 'yon at hindi nagulo. Kinuha ko na rin 'yong violet purse ko na binigay sa akin ni Ate JM. Nagpaalam na ako kina Mama at bago ako lumabas ay pinuri na naman ako ni Ate JK kaya napailing na lang ako.
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Teen FictionMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...