Zero Chance
RHEILA'S POV
"Happy Valentine's Day, baby!"
Ngumiti lang ako ng malawak kay Lucas dahil sa bati niya. Binati ko rin siya kaya naman sobrang lawak ng ngiti niya ngayon! Gaya ng bati niya sa akin, araw ng mga puso ngayon. Kakatapos ko lang mag-practice para sa journalism kaya nandito na siya ngayon para sunduin ako. Nag-practice na rin ako ng badminton kaninang umaga kaya naman nakakaramdam na ako ng pagod ngayon.
Hapon na rin kasi at papalubog na 'yong araw. Sayang lang din dahil kakain sana kami sa labas ni Lucas kaso masyado akong busy ngayong araw. Okay lang naman daw sa kaniya dahil para sa school naman daw 'yong ginagawa ko at support niya lang daw ako.
"Are you tired na ba?"
"Medyo," natatawang sabi ko.
Hinawakan niya naman bigla 'yong bewang ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang parking lot. Pupunta kami ngayon sa bahay nila dahil gusto niya raw mag-celebrate ng Valentine's kasama ako kahit sandali lang. Pumayag naman din ako dahil gusto ko rin naman siyang makasama. Aaminin kong pagod na talaga ako pero ewan ko ba, nawala lahat ng pagod ko nang makita ko siya.
Hinatid naman niya muna ako sa bahay para makapagpalit ako ng damit at habang nagpapalit ako ng damit ay nakikipag-kwentuhan siya kina Mama. Nagsuot lang naman ako ng light blue high waisted jeans at white tube top na pinatungan ko ng black crop top jacket. Naka-suot din ako ng white sneakers at naka-lugay rin ang buhok ko na may white na hair clip. Kinuha ko na rin 'yong cap ko dahil wala lang, gusto ko lang.
Lumabas na ako at nang makita naman ako ni Lucas ay napanganga na lang siya ng bahagya kaya lumapit ako sa kaniya para isara ang bibig niya. Natawa ako sa reaksyon niya at nagpaalam na rin kami kay Mama. Nang makasakay naman kami ng sasakan ay tulala pa rin si Lucas kaya natawa ako.
"Hoy, anong meron? Tulala ka, ah? May sakit ka ba?" Tumango naman siya bigla kaya agad akong nag-alala. "Talaga—"
"Magkakasakit yata ako dahil sa ganda mo."
Nahampas ko naman siya bigla dahil sa sagot niya at tinawanan niya lang ako! Sumandal na lang ako sa balikat niya at hinawakan niya pa ulit 'yong bewang ko. Pumikit ako sandali at hindi ko na namalayan na naka-idlip pala ako sa balikat niya! Nagising lang din ako nang biglang tumigil ang sasakyan kaya umalis na ako sa balikat ni Lucas at humikab pa ako sandali.
Inayos ko pa 'yong buhok ko bago kami bumaba ng sasakyan. Binati ko pa 'yong iba nilang kasama sa bahay at ngumiti lang naman sila sa akin. Hinawakan naman ni Lucas 'yong kamay ko habang naglalakad kami papunta sa may pool. May nakita akong table ro'n at may pagkain na nakahain. May mga rose rin na nagkalat sa sahig kaya napangiti na lang ako ng palihim dahil do'n.
"Nag-abala ka pa," sabi ko nang makita ng malapitan 'yong table. Naaapakan ko rin 'yong ibang rose na nasa sahig kaya naman umisod ako bahagya para hindi ko maapakan 'yon.
"Walang salitang 'abala' pagdating sa 'yo."
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Teen FictionMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...