Endless Reminder
RHEILA'S POV
"Gago ka ba?"
Natawa na lang ako sa tanong ni Christian kay Nath habang nasa peryahan kami. Nag-aaway kasi sila kung sinong mauunang sumakay sa Viking. Pwede naman silang magsabay pero ayaw nila, patapangan daw. Fiesta rin kasi sa may plaza kaya may peryahan dito. Dumayo na rin kami dahil walang pasok ngayon at exam na rin naming lahat sa sunod na pasok namin, which is birthday ko!
Gosh, hindi ko alam pero super excited ako sa birthday ko kahit hindi kami maghahanda!
"Sumakay na lang kaya tayong lahat?" Tanong ni Micka habang nakamot sa ulo.
"Ha? Ayoko! Kayo na lang!" Sigaw ko kaagad at kumapit ako sa braso ni Lucas dahil baka hilahin ako nila Micka papunta ro'n! Hinawakan naman ni Lucas ang bewang ko kaya napangiti na lang ako.
"Sumakay na tayong lahat para walang away!" Sigaw naman ni Nath.
"Hindi na, kayo na lang! Okay lang ako rito!" Angal ko na naman dahil ayaw ko talagang sumakay ro'n!
Natatakot ako!
"Isama mo na lang si Lucas para hindi ka matakot." Nang-aasar na sabi ni Micka at tinusok niya pa 'yong tagiliran ko!
"Ayaw ko! Feeling ko matatanggal kaluluwa ko riyan!" Mas lalo pang humigpit ang kapit ko kay Lucas nang akmang lalapit si Micka sa akin.
"You don't want to ride a Viking?"
Agad naman akong umiling sa kaniya. "Ayaw ko! Nakakatakot!"
"Haven't you ridden it yet?" Umiling ako. "Let's try it together, then."
"Ha? Baliw ka ba? Ayaw ko nga, e!"
"Dali na, Jie! Sasakay kaming lahat, ikaw na lang hindi." Malungkot na sabi ni Micka at maiiyak naman siya yumakap kay Lance kaya natawa ako.
"Ayoko talaga, sorry."
Nakahinga naman ako nang tumango sila sa akin at sabay-sabay silang bumili ng ticket. Hindi na ako sumama at nagpa-iwan naman si Lance kasama ko. Si Lucas naman ay hinila ni Aaron kaya nakasama siya sa pagbili ng ticket.
"Hindi ka ba sasakay?"
"Sasakay rin. Ayaw mo ba talaga? Kasama naman si Lucas, oh." Ninguso naman siya si Lucas habang nakatalikod siya sa amin.
"Natatakot ako, e."
"You know? Lucas won't allow you to feel scared." Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Teen FictionMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...