Packing Up And Pictures
RHEILA'S POV
"THREE POINTS FROM ENRIQUEZ!"
Nagsigawan ang mga nanonood dahil na-shoot ni Lucas ang bola! Kilig na kilig naman 'tong si Micka at pinaghahampas pa ako kapag nakakatira si Lucas!
"Uy aray! Masakit!" Daing ko dahil masakit talaga!
"Ay hala, sorry! Sorry!" Nahihiyang sabi niya at nag-peace pa siya sa 'kin.
Nandito lang kami sa may likod ng bleachers, malayo sa kanila dahil ayaw kong makita ako ni Lucas na nanonood. Kanina rin ay hindi ko naman siya nakita at pinicturan niya pa ako ng patago kaya patas lang kami! Nilabas ko naman ang cellphone ko at pinicturan din siya. Nakatalikod siya sa kuha ko kaya ayos lang.
Magma-my day rin ako. 'Kala mo ha!
"Yie! Ikaw ha!" Pang-aasar pa sa 'kin ni Micka ngunit hindi na siya pinansin.
Win or lose?
'Yan ang nilagay ko na caption sa may baba, bandang tabi dahil na wala na akong maisip na pwedeng ilagay. Niliitan ko lang 'yon para hindi masyado kita. Sa IG ako nag-post ng my day ko dahil masyadong maraming tao sa Facebook, sa IG din naman medyo marami pero mas gusto ko rito sa IG.
"Go Lance! I love you!" Sigaw ni Micka na siyang ikinagulat ko! Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao kaya nahihiya akong ngumiti sa kanila. Buti nalang ay hindi tumingin si Lance sa gawi namin. Medyo marami ring tao, puro estudyante. Kaliwa't kanan din ang sigawan kapag nakakatira si Lucas pati na rin si Lance kumag.
"Sa'n ka punta?" tanong ko kay Micka nang bigla siyang bumaba ng bleachers.
"D'yan ka lang, hindi ko ma-cheer ng maayos eh! Ayaw mo naman sumama, bye!"
"Hoy teka lang-" Wala na akong nagawa kung 'di hayaan siya dahil wala na siya sa tabi ko! Kulit talaga nito eh! Crush niya rin 'ata si Lance kupal, medyo halata rin kasi! Nako! Good luck na lang sa kaniya.
"Substitution sa second team! Enriquez out, Dela Cruz in."
Pagod na 'ata si Lucas kaya pinalabas siya. Hingal na hingal na rin siya at nilibot niya rin ang tingin niya, tila may hinahanap na kung sino. Nang tumigil naman siya sa paghahanap, tumingin siya sa cellphone niya habang umiinom ng tubig. Napalunok naman ako nang tumaas baba ang Adam's apple niya habang nainom! Alam kong medyo malayo ako sa kaniya ngunit ewan ko ba, parang ang lapit niya sa akin at gano'n ko siya nakikita ng maayos!
Nang matapos uminom ay tiningnan niya ulit ang cellphone niya, nilibot niya ulit ang tingin at napunta iyon bigla sa akin! Mabilis naman akong nagtago sa may pader na poste dahil 'yon lang katabi ko na pwedeng pagtaguan!
Sana hindi niya ako nakita!
Tiningnan ko naman ang cellphone ko at na-seen na ni Lucas ang my day ko! Sumilip naman ako ng kaunti sa kaniya at nakita kong nakaupo na siya habang ang siko niya ay nakapatong sa mga tuhod niya.
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Teen FictionMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...