Early Field Trip
RHEILA'S POV
"Congrats!"
Kaliwa't kanan ang pagbati kina Lucas dahil nanalo ulit sila ngayon! Wala na akong laro ngayon kaya nakapanood ako ng laro niya ngayon. Ibig sabihin din, gaya ko ay lalaro sila sa unit meet! Balita ko rin ay nanalo sa volleyball sila Christian at Nath kaya naman sobrang saya ko!
"Omg! Congrats, Lance! Kaya ako'y sa 'yo e!" sabi ni Micka kay Lance habang pumapalakpak pa sa harap niya. Naiilang namang nagpasalamat si Lance.
"Yeah, thanks!"
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil may pasok pa ako ngayon. Pinaghahandaan ko na rin ang reporting ko kahit matagal pa 'yon. Ap at Math pa 'yon kaya kailangan kong mag-seryoso.
"Our school has a field trip, who wants to come or join? And of course, you will pay. As far as I know, ang pupunta niyo 'ata ay ang Manila Ocean Park, Intramuros, Museo ni Jose Rizal, Monde Nissin Lucky Me Factory Noddles and uh-KidZania at MOA rin a'ta," sabi ng adviser namin kaya naghiyawan ang mga kaklase ko.
Field trip?
"Yehey! Ang daming pupuntahan! Omg! Sasali ako, sasabihin ko kay Mommy!"
"Ako rin, sasama! Excited na 'ko!"
"Samama ako kasi baka may pogi!"
Puro 'yan 'ata ang sinisigaw ng mga kaklase ko habang kaming apat naman ay tahimik lang at parang alam ko na rin ang dahilan.
"S-sasama kayo?" Nahihiyang tanong ko at umiling lang sila.
"Hindi ko alam e, wala kaming pera," sagot ni Nath at ngumiti lang.
"Mas lalo naman kami ano! Hindi pa rin nga ako napapatawad-ay este ano hindi ako pinapayagan ng tatay ko!" Nadulas pa si Christian sa sinabi niya kaya nagtaka ako, hindi pa napapatawad? Nino naman? Nagkibit-balikat na lang ako din ako at hindi na nagtanong pa dahil baka nagkamali lang siya ng sinabi at baka nadulas lang din siya.
"Ako rin e, pero try natin magtanong? Pero kasi, wala rin kaming pera," nanlulumong sabi ni Micka.
"Ikaw ba, Jie?" Sabay-sabay na tanong nila sa akin kaya umiling lang ako.
"Wala rin kaming pera, 'wag na lang."
"Pero magpaalam pa rin tayo sa magulang natin? Try lang, kapag hindi pumayag, edi okay lang! Ano g?" sabi ni Micka at nagsitanguan naman kami.
"G!"
Sabi rin ng adviser namin ay ang mga sasali raw ay exempted na sa departmental exam namin para sa 3rd grading at sa iba pang projects namin. Nang dahil do'n, nagkatinginan kaming apat at ang mga itsura namin ay pulos nanghihinayang!
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Novela JuvenilMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...