Effortless Beauty
RHEILA'S POV
"Uy, ganda hindi ka bibili?"
Narinig ko naman ang tanong ni Christian ngunit hindi ako tumingin dahil hindi ako sigurado kung ako ba nga ang tinatanong niya.
"Oh, Micka ba't ka natingin? Maganda ka? Hindi ikaw! Kaloka 'to," dagdag pa ni Christian at tinawanan niya lang si Micka.
"Grabe ka!"
Nandito kami ngayon sa SSOS (Snack Shack Out School) na malapit lang sa school. SSOS ang tawag para maikli lang at ang SSOS ay puro pagkain ang tinda. Mapa-street foods man 'yan at iba pang pagkain na meryenda ay nandito na kaya naman dinarayo ito ng mga estudyante kapag uwian.
"Hindi ka ba talaga bibili?" tanong ulit sa akin ni Christian.
"Ah hindi na, uuwi na rin naman ako. Sa bahay nalang ako kakain."
"Susunduin ka?" Tumango ako.
"Oy sandali lang, bili lang akong waffles," rinig kong sambit ni Micka kaya tumango lang ako at ngumiti.
"Ehem!"Kunwaring ubo ni Christian.
"Oo na, ililibre na kitang bakla ka! Kung nandito si Nath, kayong dalawa ang naka-'ehem' diyan! Libre na rin kita Jie."
"A-ako?"
"Oo! Diyan lang kayo ah!"
Kumaway lang kami ni Christian kay Micka at habang iniintay si Micka ay hindi ko alam kung bakit nakatitig sa akin si Christian.
"B-bakit? May rumi ba sa mukha ko?" Umiling naman siya.
"Oh, eh bakit ka nakatingin?"
"Bakit masama?" pagtataray ni Christian na ikinagulat ko. "Charing lang! Ang ganda mo kasi."
Nakahingi naman ako ng maluwag dahil akala ko galit siya! Jusko, kinabahan ako ro'n ah!
"Eto na! Waffles! Waffles! Waffles!" Magiliw na sabi ni Micka nang makabalik siya at binigyan na kaming dalawa ni Christian.
"Thank you!" Ngumiti lang si Micka sa akin at sabay-sabay kaming kumagat ngunit napatigil din ako sa pagkagat dahil narinig ko ang malutong na mura ni Christian.
"Tanginang waffles 'to, printed 'yung hotdog."
Dahil sa sinabi niya ay sabay kaming tumawa ni Micka.
"Oh, bakit kayo natawa? Totoo naman ah? Tingnan mo printed, parang nakadikit lang. Ang nipis pa, parang tabi lang 'yung meron punyeta!" Pinagmasdan ko naman 'yung waffles. Tama nga siya. Ang nipis lang no'ng hotdog sa loob.
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Teen FictionMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...