Chapter 22

147 17 16
                                    

Night Changes


RHEILA'S POV


"Mga mare, graduating na tayo next school year!"


Napangiti nalang ako ng malawak dahil sa sinabi ni Micka. Tama siya, graduating na kami next school year. Natapos na namin 'yung 2nd year high school ng maayos at ngayon ay 3rd year high school na kami! Nakakatuwa rin dahil classmates ko pa rin sila! Sana hanggang 4th year ay classmate's pa rin kami.


"Sana naman maka-graduate ako!" sabi naman ni Christian. Aaminin kong laging bagsak si Christian sa test mga test namin noon, may napapasa naman siya ngunit minsan lang. Kaya minsan, sinasama ko siya sa pagre-review ko para naman may maisagot siya. Tinulungan ko rin siya minsan sa mga assignments namin.


Si Micka naman ay wala namang problema. Sa katunayan nga, siya 'yung top 2 namin simula 1st at 2nd year. Ako naman 'yung top 1 nila kaya masaya ako ro'n! Sila Lucas ay may award din, silang tatlo nila Lance at Aaron ay nasa with high honor gaya namin ni Micka.


"Makaka-graduate ka, Christian! Tutulungan kita!" sabi ko sa kaniya at ngumiti.


"Nako, thank you, ah?" Ngumiti lang ako sa kaniya at nagsalita.


"Makaka-graduate tayong lahat!"


Sumang-ayon naman silang dalawa ni Micka. Naging maayos naman 'yung pasok namin at hindi pa naman masyado nakaka-stress dahil wala pa kami sa 4th quarter. Nang dumating na ang 4th quarter ay sobrang dami na naming gawain! Hindi ko rin ini-stress 'yung sarili ko at hindi rin ako nagka-cram.


"Don't stress yourself, baby."


Ngumiti lang ako kay Lucas ng pilit dahil sabi ko kanina ay 'ang hirap naman nito'. Tiningnan naman niya ako nang bigla akong tumungo sa lamesa na parang lanta na gulay. Nandito kami sa library at nagre-review kami para sa final exam namin next week Friday. Tuesday ngayon kaya marami pa akong oras. Nagre-review lang ako ngayon dahil sure ako na next week ay puno na ang library! May isa pa rin akong project at paperwork na kailangang tapusin pero napakahirap niya!


"You can rest."


"Hindi, baka gawin mo na naman 'yung ginawa mo last week!"


Tinawanan niya lang ako at ako naman ay sinamaan lang siya ng tingin habang bahagya akong nakatungo sa lamesa at hinihigaan ng ulo ko ang kanang braso ko. Balak ko sanang umidlip sandali ngunit baka gawin na naman niya 'yung paperwork ko!


Last week kasi, magkasama kaming dalawa na nag-aaral dito sa library at sabay kami nagawa ng mga assignments, projects at paper works. Ang sabi ko no'n kay Lucas ay iidlip lang ako sandali dahil ubos na yata 'yung brain cells ko. Tumango naman siya no'n sa akin ngunit paggising ko, nagulat na lang ako na tapos na 'yung dalawang paper works ko! Siguro mga 30 minutes akong nakatulog no'n dahil mga 2:45 pm ako umillip at nagising ako ng around 3:15pm. Binatukan ko pa siya no'n ng mahina dahil sa ginawa niya. Nakakaloka siya! Alam kong may mga gawain din siya pero inuna niya pa 'yung sa akin! 'Tsaka nagulat din ako dahil 30 minutes lang yata niya 'yun ginawa at dalawang paper works agad 'yung natapos niya!

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon