Chapter 82

955 19 3
                                    

Sweetest Deception


RHEILA'S POV


"Happiest birthday, Jiemmelyn Rheign Uela!"


Nasapo ko na lang ang noo ko pagkagising ko dahil sa bungad na bati sa 'kin ni Ate JK. Kinusot ko pa ang mata ko bago ako bumangon at binato ko pa si Ate ng unan dahil ang sarap-sarap ng tulog ko tapos babatiin niya lang pala ako!


"Dalaga ka na, Rhei! Pwede ka na ring makulong, 18 ka na, e."


Sinamaan ko naman ng tingin si Ate dahil sa sinabi niya. "Okay lang makulong, may abogado naman ako."


"Ay, iba! Bet ko 'yan!" Natatawang sabi niya kaya napailing na lang ako.


Gaya nga ng bati ni Ate JK sa akin, birthday ko na ngayon. Wala kaming bonggang celebration katulad no'ng ibang nagbe-birthday pero sabi ni Mama ay kakain na lang daw kami mamaya sa labas. Ayoko na rin kasing mag-handa dahil may exam kami ngayon. Okay na sa 'kin 'yong simple at wala ng event eme. Pupunta rin kami mamaya sa Kamay ni Hesus gaya ng dati kasama ang pamilya ko.


"Happy birthday to my girl!"


Lumawak naman ang ngiti ko sa labi dahil sa bati ni Lucas sa akin nang makalabas ako ng bahay namin. As usual, nandito siya para sunduin ako. Sabay-sabay na rin kaming nag-review ng mga kaibigan ko kahapon sa library ng school dahil lahat kami ay may exam ngayon.


"Thank you!" Tugon ko sa bati niya at nagulat pa ako nang bigyan niya ako ng bulaklak na hindi ko alam kung saan galing. Tinanggap ko naman 'yon at ngumiti ako ng malawak sa kaniya.


Sumakay na 'ko ng sasakyan at inalalayan naman niya akong sumakay. Pagkasakay ko naman ay binati pa ako ni Kuya Brendon kaya nagpasalamat ako sa kaniya habang nakangiti. Umandar na rin 'yong sasakyan at nang makarating kami sa school ay sabay kaming naglakad ni Lucas.


"Why don't you want to celebrate your debut?"


Napatingin naman ako bigla kay Lucas habang naglalakad kami. "Sayang pera, Lucas. Okay na 'ko sa simple lang."


Ngumiti naman siya sa sagot ko at sinabayan na niya ulit ako maglakad. Pinagtitinginan pa kami ng ibang studyante at pinagbubulungan kaya nahihiya ako. Naiilang din ako sa tinginan at bulungan nila kaya naman hinawakan ni Lucas ang kamay ko at pinisil niya 'yon ng bahagya. Nabawasan naman 'yong ilang ko dahil sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko ngunit hindi ko pa rin maiwasang hindi mapatungo dahil sa binubulong no'ng ibang studyante.


"Baka may mag-cheat na naman diyan."


"Uy, si cheater ayan na."


"Beh, pa-send na lang no'ng kodigo mo, ah?"


"Iw! I-check niyo kaya 'yong bag niya? Baka nandiyan na naman 'yung key to correction natin sa exam."

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon