I Love You
RHEILA'S POV
"Malapit na po tayo mga teens!"
Nagising ako dahil sa boses ng tour guide namin. Napatingin naman ako sa bandang balikat ko dahil medyo mabigat ng kaonti. Nagulat pa ako ng bahagya dahil nakita kong natutulog si Lucas sa balikat ko!
"Tutulog din pala... Lucas, gising na." Inuga ko siya kaya naman minulat na niya 'yong mga mata niya. Kumurap-kurap pa siya ng ilang beses bago ngumiti sa akin.
"Morning," bati niya kaya naman tiningnan ko 'yung oras sa cellphone ko. Ay, umaga pa rin pala? Akala ko tanghali na, jusko!
Inayos niya 'yong t-shirt niya dahil nagusot ng kaonti at gano'n din naman ako. Nagsuklay pa ako ng buhok at tiningnan ang sarili ko sa camera ng phone ko.
"Ang ganda mo." Bulong ni Lucas habang nakatingin sa cellphone na hawak ko. Sumandal pa siya ulit sa balikat ko at tiningnan niya ang repleksyon ng mukha ko sa phone na hawak ko.
Dahil nga hawak ko ang phone ko ay nauwi kami sa pagpipicture na dalawa! Todo ngiti naman 'tong katabi ko at tinigil ko na rin ang pag-picture dahil baka mapuno 'yung storage ng phone ko.
"Tama na, baka ma-virus phone ko sa mukha mo," sabi ko at umangal naman siya.
"Baka kamo mahulog ka sa mukha ko."
Tinawanan ko na lang siya at kinuha ko sa bag pack ko ang shoulder bag na pinadala sa akin ng Ate ko para 'yon nalang daw 'yung dadalin ko kapag bababa na kami ng bus. Tama naman siya dahil ang hirap naman kung dalin ko 'yung medyo may kalakihang bag ko, baka hindi ko ma-enjoy 'yung pupuntahan namin. Sayang lang.
Nilagay ko ro'n 'yung wallet, phone, panyo, suklay, alcohol at iba pang gamit na pwede kong dalin. Sinabit ko na 'yon sa balikat ko at inayos ang hair band na nasa ulo ko.
"You look much more beautiful with that hair band." Puri pa sa akin ni Lucas at tinitigan na naman ako.
Hindi ba siya nagsasawa na sabihan ako ng maganda araw-araw?
"In love ka naman," pabirong sabi ko at tumango siya na ikinatawa ko!
Hinayaan ko na lang siya at tumingin sa may bintana. Sandali namang tumigil ang bus at may tumabing bus sa amin. Taga-ibang school 'ata ang laman ng bus na 'yon dahil iba ang logo ng t-shirt nila.
Taka naman akong tumingin sa isang bintana dahil may nakita akong isang lalaki na pinapakita sa akin 'yung cellphone niya na may timeline niya sa Facebook. Pinagkunutan ko naman siya ng noo at hindi ko na siya nakita pa dahil hinarangan bigla ni Lucas 'yung bintana gamit 'yung kurtina sa harap ko. Tumingin naman ako sa kaniya habang nakatingin lang siya sa harap at nagsalita siya.
"Just ignore that guy."
Nagkibit-balikat na lang ako tumigil na ang bus, ibig sabihin ay nandito na kami. Museo ni Jose Rizal ang una naming pupuntahan kaya nandito na kami sa harap no'n. Ang mga nasa bus 1 and 2 muna ang pinababa at sunod naman kami.
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Novela JuvenilMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...