Chapter 90

806 20 10
                                    

Not The Legitimate Justice


RHEILA'S POV


"Rhei, okay ka lang? May masakit ba sa 'yo? Ano? Magsalita ka, may bibig ka naman!"


Pagkamulat ko pa lang ng mata ko ay bunganga agad ni Ate JK ang narinig ko. Sobrang sakit pa ng ulo ko at para siyang pinupukpok ng martilyo kaya napahawak na lang ako ro'n habang minamasahe ng bahagya.


"B-bakit ako nandito?" Tanong ko kahit na alam kong nasa ospital ako dahil nakahiga ako ngayon at liwanag agad ang nakita ko pagkamulat ko.


"Wow, tanong ko rin 'yan, Jiemmelyn Rheign Uela! Anong ginagawa mo rito?"


Napatingin na lang ako kay Ate JK na nasa tabi ko ngayon at nakatayo. Pumikit naman ako sandali at inalala kung anong nangyari sa akin. Ilang segundo rin ang lumipas bago ko maalala kung ano nga ba ang nangyari. Napailing na lang ako nang maalala ko kung anong huling nangyari sa akin bago ako mawalan ng malay.


Bigla na lang bumigat ang pakiramdam ko at napayakap na lang ako bigla sa sarili ko. "Ate..."


May namuong luha sa mata ko ngayon habang nakatitig kay Ate JK kaya naman bigla siyang nataranta. "Hoy! 'Wag kang iiya—"


"Ate, muntik na akong ma-r*pe..."


Napatigil bigla si Ate JK sa pagsasalita dahil sa sinabi ko at paulit-ulit siyang kumurap sa harap ko habang nakatitig sa akin. Nakaawang din ng bahagya ang labi niya ngayon at ang luha ko naman ay tuluyan nang tumulo.


"Rheila, hindi magandang biro 'yan." Umiling-iling pa siya at ngumiti na parang nagbibiro lang ako.


"Hindi na 'ko nagbibiro, Ate. Hindi ko na kayang magbiro," sabi ko habang umiiling-iling na rin. Yumukom naman ang kamao niya at bigla na lang may tumulo na luha mula sa mata niya.


"Tangina! Sabihin mo na nagbibiro ka lang, please... Rhei, bawiin mo 'yang sinabi mo." Umiling-iling pa rin naman ako sa harap niya at bigla na lang din tumulo ang luha ko sa mata.


 "T-totoo ang sinasabi ko-"


Napatigil na lang ako bigla sa pagsasalita nang bigla akong yakapin ni Ate habang siya'y umiiyak. Niyakap ko naman siya gamit ang isang kamay dahil may dextrose na nakalagay sa isang kamay ko.


"Rhei... Tangina, pa'no?! Ano bang ginawa mo?! Saan ka galing, ha?!"


Dahil sa sobrang daming tanong ni Ate JK sa akin ay wala na akong nagawa kung 'di ang mag-kwento. Humiwalay naman muna siya ng yakap sa akin at dahan-dahan akong naupo sa kama. Lahat ng nangyari ay kwinento ko sa kaniya habang nakatingin lang ako sa kawalan at napaiyak na lang ako ng malala nang natapos kong i-kwento 'yong nangyari sa loob ng letcheng room na 'yon.


"Ate JK, ayoko na... Ayoko na ro'n. Hindi na ako babalik do'n..." Paulit-ulit na naman akong umiling sa harap niya.

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon