Chapter 8

213 28 44
                                    

Old Courtship


RHEILA'S POV


"Ma..."


Nako naman talaga! Buong pangalan ko 'yung tinawag. Buo! Tapos pasigaw pa! Ibig sabihin kapag gano'n ay galit na si Mama. Minsan naman, ang ibig sabihin no'n ay kailangan na naming sumunod. Pero sa pagkakataon na 'to? Jusko! Mukhang galit na talaga siya. Katapusan ko na ba?


Jusko Lord help me po!


"Ma..." mangiyak-ngiyak pa ulit na sabi ko.


"Sa'n ka nanggaling na bata ka? 12:00 o 1:00 pm 'di ba dapat nandito ka na? Anong oras na ha? Akala ko kung ano nang nangyari sa 'yong bata ka! 'Yung papa mo nando'n sa school niyo, hinahanap ka," sigaw ni Mama sa akin ngunit bakas ang pag-alala niya sa akin dahil sa boses niya.


Kasalanan mo 'to, Lucas!


Argh! Gaya nga ng sabi ko kanina, hindi niya rin kasalanan dahil sumama ako. Pero kasi- Jusko tama na ang sisihan! Pero kasi tumutol naman ako eh, siya 'yung nagpumilit!


Paladesisyon kasi sa buhay ang bwisit...


"Ma... Sorry-"


"Nako kang bata ka! Sabi 'di ba ng papa mo ay mag jeep ka pauwi? Sa'n ka sumakay? Naglakad ka ba? Gumapang? Ano sumagot ka, Jiemmelyn!"


Nako, patay na talaga ako! Galit na talaga si Mama! Hindi niya ako tinawag sa palayaw ko o sa pangalawa o pangatlo kong pangalan! Sasagot ba ako? Kasi baka pagsumagot ako, masabihan ako ng bastos. Kapag hindi naman ako sumagot, baka masabihan ako ng bingi o walang naririnig.


Ano nang gagawin ko? Ah bahala na.


"Ma, sorry po," nakatungo na sabi ko habang nakakapit ng mahigpit sa palda ko. Rinig ko namang bumuntong hininga si Mama at nagsalita.


"Saan ka nanggaling?" mahinahon na tanong sa akin ni Mama.


Patay...


Hindi ko kayang magsinungaling. At hinding-hindi ako magsisinungaling, lalo na kay Mama, maging kay Papa.


"Ma, ano po..."


"Ano?"


Ma, wait ka lang. Nagmamadali ka po ba? Kinakabahan po ako, sandali lang! Pwede bang mag C.R. muna?


"Ano po... Kasi po..." nakatungo pa ring sabi ko habang pinaglalaruan ang kamay ko.


"Kasi po?" Panggagaya ni Mama sa akin, patay mukhang nawawalan na siya ng pasensiya sa akin.


"Ma, ano po... kasi po... si ano po kasi..."

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon