Chapter 72

104 6 0
                                    

Youngest Model


RHEILA'S POV


"Bihis na ba kayong lahat?"


Nagsitanguan lang kami nila Ate JK kay Mama dahil sa tanong niya. Normal days lang din 'yong mga sumunod na araw pagkatapos no'ng prom namin hanggang sa dumating na ulit ang weekends. Sa araw rin ng Sabado ay tinapos ko ang mga assignments ko at nang dumating naman ang Linggo, which is ngayon ay magsisimba kaming lahat kasama ang pamilya ko. Hindi ko rin kasabay magsimba si Lucas ngayon dahil may inaasikaso raw siya. Sa afternoon mass na lang daw siya a-attend ng mass.


Nakasuot lang naman ako ngayon ng violet mini off-shoulder dress na may strap sa balikat. Pinartneran ko naman 'yon ng white sandals at nilugay ko lang buhok kong mahaba na may suot na violet na hair band.


"Ay beh! Nahiya ka pa! Dapat nag-violet ka na nlang na sandals para puro violet ka! Obsessed na obsessed sa violet, ha? Baka pati bahay mo soon ay violet!" Tinig agad ng aking Ate JK ang narinig ko nang pumunta ako ng sala.


"Aba! Oo naman! 'Tsaka kung magkaka-kotse ako? Jusko, violet na rin!" Umiling lang siya sa sagot ko at maya-maya lang ay pumunta na kami ng simbahan.


Habang nagmimisa ay nagdadasal ako ng patago sa Diyos na sana ay gabayan lahat ng tao sa paligid ko. Marami pa akong kahilingin sa Panginoon kaya sa akin na lang muna 'yon. Nang matapos naman ang misa, pumasyal muna kami sa plaza dahil gusto ng kapatid kong pumunta roon.


"Ate Uela!" Hinila ng kapatid kong bunso ang laylayan ng damit ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nagse-cellphone kasi ako at hinayaan ko na lang muna silang gumala.


"Oh, bakit?"


"K-kalong po 'ko!" Napailing na lang ako at kinalong na ang kapatid ko.


"Big boy ka na, ah? Nagpapakalong ka pa!"


"Ih! H-hindi po big boy si A-aju!"


Naglakad-lakad kami ng kapatid ko habang kalong ko siya at kasama ang pamilya ko. Binaba ko na rin siya dahil nangangalay na ako at sobrang bigat niya! Buti na lang ay hindi siya umiyak nang ibaba ko siya. Umupo naman muna kami sa bench at ang Mama at Papa naman ay nabili ng makakain.


Medyo maraming tao ngayon sa plaza ang iba ay may-boyfriend at girlfriend pa. 'Yung iba naman ay mga nagpa-practice ng sayaw, nagpi-picture, nagku-kuwentuhan, kumakain at marami pang iba. Ang mga Kuya ko naman ay nauna nang umuwi sa bahay dahil may gagawin pa raw sila kaya kaming tatlo na lang ng Ate at kapatid kong bunso ang magkakasama, kasama si Mama't Papa.


"Uy, ang ganda mo! Tingnan mo." Napatingin ako kay Ate at pinakita niya sa akin ang cellphone niya.


Hahampasin ko na sana siya sa braso dahil mukha ko 'yung nando'n pero nang tingnan ko 'yon ay hindi naman pala pangit ang picture ko kaya hindi ko na tinuloy ang paghampas sa kaniya. Pinagmasdan ko naman ang picture at nakatingin lang ako sa bandang kaliwa ko habang hinahangin ang buhok ko. Hindi naman 'yon blurred at sakto lang 'yong paghangin ng buhok ko kaya maganda ang kinalabasan no'n.

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon