Chapter 88

628 13 0
                                    

Only For You


RHEILA'S POV


"Are you okay now? May masakit ba sa 'yo?"


Hindi ko sinagot ang tanong ni Cloud ay este Chlyde at nanatili akong natutula. Nasa sasakyan na kami ngayon at nagda-drive siya papunta sa bahay namin. Binigyan niya rin ako ng jacket dahil nga basang-basa ako at sobrang lamig din ng mga pinagtatapon nila sa akin. Nagulat din ako dahil sinabi na niya kung ano 'yong pangalan niya sa akin.


Chlyde Airendrielle.


"Chylde," mahinang sabi ko na lang kaya napatingin siya.


"Yeah?"


"Ang layo ng Cloud sa Chlyde. Ano bang nakain ko no'ng bata pa ako't Cloud ang pagkakaintindi ko sa pangalan mo?" Napapailing na tanong ko sa kaniya dahil totoo namang malayo ang Cloud sa Chylde. Well, medyo katunog, pero medyo lang. Nagkibit-balikat lang naman siya sa 'kin habang natatawa at tinuon na niya ang atensyon niya sa daan.


Pagdating sa bahay ay agad akong bumama at nagpaalam ako sa kaniya na maliligo lang ulit ako. Tumango naman siya at pinaupo ko muna siya sa isang upuan namin. Napabuntong hininga na lang ako nang makapasok ako sa banyo at nagsimulang bumalik sa akin ang mga nangyari kanina.


May kasalanan ba ako sa kanila?


Bakit gano'n na lang 'yong trato nila sa akin?


Pinunasan ko lang ang luhang hindi ko namalayan na tumulo na pala. Binilisan ko lang din ang pagligo ko dahil tinitipid ko 'yung tubig na inigib ko ro'n sa may talaga ni Aling Narsi. Nag-ayos na rin ako pagkatapos at binilisan ko rin ang kilos ko dahil naalala kong nandito nga pala Cloud.


"Oh? Bakit ang daming pagkain?!" Gulat na tanong ko pagkarating ko sa may kusina, rito ko kasi naabutan si Cloud.


"Binili ko siguro?" Muntik nang umikot ang mga mata ko dahil sa sagot ni Cloud.


"Bakit ka naman bumili?"


Ningitian niya lang naman ako at sumagot siya, "Kasi gusto ko. Tara, kain na tayo."


Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa sagot niya. "Hindi ako naguguto—"


Napatawa na lang si Cloud nang biglang tumunog ang tiyan ko! Sign na gutom ako... Sobrang tahimik pa naman dito sa loob ng bahay kaya rinig na rinig niya! Jusko, nakakahiya!


"Sabi ko nga gutom ako," sabi ko na lang at kumain na kami ng sabay.


Nitong sumunod na mga araw ay ginawa ko na ang mga kailangan kong ipasa. Natapos ko 'yun sa loob ng isang linggo kaya pinasa ko na rin kaagad. Inabala ko rin ang sarili ko kaya hindi ko na masyado naaalala ang mga problema ko. Nagpahinga lang ako ng isang araw dahil nakaramdam ako ng pagod at kinabukasan ay inayos ko 'yong mga papel or requirements na kailangan ko para sa pag-aapply ng trabaho.

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon