Kath
"You look gorgeous." Napakagat-labi pa siya. "So gorgeous."
Napangisi ako, muli ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin, kumembot ng paulit-ulit with the beat of 'Sige, ikembot! Sige! Ikembot!' habang paulit-ulit sa sarili kong sinasabing.. "Shet." tumingin muli ako sa salamin sabay itinaas-baba ang kilay kong kanina eh, kinamumuhian ko. "Ang ganda ko talaga. Haha--Ay manyakis na walang eggs!"
Nanlaki na lang ang mga mata ko nang muling magpakita sa harapan ko si Shin na ngayon ay naka-cross arms pa't matalim ang paningin sa akin habang itinatapat sa akin ang relo niya. Napalunok ako.
"Isang oras, Kath. Isang oras ka na diyan sa loob ng CR. Hindi ka pa din tapos?"
Napanguso ako. "Paki mo ba? Tsaka, for your information. Girl's Restroom ito, no pets allowed--este, no boys allowed kaya anong ginagawa mo dito?"
Napangisi naman siya. "I can freely do whatever I want in this building." cool na cool pa siyang naglakad palapit sa akin, dahilan para mapa-atras ako habang siya ay ini-ayos ang bagong-kulay na buhok niya habang nakaharap sa salamin. Napakagat-labi ako. Shet. Ang gwapo!
Malalim akong napalunok at malalim ring huminga. Ok, Kath. Kalma. Mapapaghalataan kang pinagnanasaan siya niyan eh! "Tss. Hangin talaga. Bakit naman?" sabi ko pa at tsaka ginaya ang ginagawa niyang pagtitig sa sarili sa salamin. Napangisi ako. Grabe, I really love my eyebrows. Katulad kanina, wala akong ibang ginawa sa CR na 'toh kung hindi titigan ang sarili ko't itaas-baba ang kilay ko. Haha! Ang ganda ko mga men!
"Pfft." narinig kong tawa niya. Pinakunutan ko naman siya ng noo sa salamin kasabay ng pagsagot niya. "Hindi namang halatang tuwang-tuwa ka sa bago mong kilay, ano?" ngiting-ngiti sabi niyang sa hindi ko alam na kadahilanan eh, nagpangiti rin sa akin.
"Bakit ba? As if masamang maging masaya?" sabi ko pa't ngumuso upang itago ang pagngiti. Shit. Bakit ganito? Bakit kami nagtatawanan? Gosh. Ang weird. "Pero, bumalik nga tayo sa usapan. Bakit nga ba tayo nandito? A-anong ginagawa natin dito? Wag mong sabihing.." tinitigan ko siya ng matalim sa mata and this time, mismong face to face na ang pagharap ko sa kaniya. "Magdi-date tayo dito--"
"Hmm. Kung gusto mo, ayos lang--aray! Bakit ka nambabatok?"
"CHE! Date ka diyan! Ayaw ko nga!" sabi ko pa't tsaka muling ngumuso upang iwasan ang pagngiti. Shet. Ang landi. Haha! "Pero, yung totoo, ano nga ba ang talagang ginagawa natin dito?"
Bumuntong-hininga naman siya at unti-unting ibinuka ang bibig upang sagutin ang tanong ko nang bigla na lamang kaming makarinig ng ingay sa labas. Nagkatinginan kaming dalawa, pinanlakihan ko siya ng mata at sinabing gumawa ng paraan para maka-alis dito.
Tinitigan din naman niya ako sa mata na para bang sinasabing wala siyang ibang magagawa dahil papunta na rin dito ang mga babaeng iyon pero, nanlaki na lang ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa.
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.