Kath
"Salamat, huh. 'Asawa' ko." pagdidiin ko sa salitang 'Asawa' at nagsimulang tumalikod upang talikuran na siya't makalayu-layo naman sa malas nang bigla niyang hinigit ang kamay ko at nakangising sinabing..
"Teka, wala man lang ba akong 'thank you kiss, asawa ko' diyan?"
Nanlisik ang mga mata ko, kung pwede nga lang magkaroon ng laser-beam ang mga mata ko ay sana naging pokemon na lang din ako para mapatay 'tong panget na nasa harapan ko.
"Gusto mo ng kiss? Eh kung kiskisin ko kaya 'yang mukha mo?!" nanlilisik na mga matang sigaw ko sa kanya pero, ni-hindi man lang siya natinag at mas lalong lumakas pa ang pagtawa. Kainis. Bakit ang sexy ng tawa niya?
"Hey, hey. Easy. Oh, sige. Ganito na lang." Lumapit siya sa akin at halos maduling ang mga mata ko sa sobrang lapit ng mukha niya. Gosh, I can even feel him breathing in front of me! "Since you don't have any money and you can't even give me a kiss, how about.." ngumisi siya at bumulong. "Stay with me--ARAY!"
"Heh! Isa ka pang manyakis eh! Tsk. Maka-alis na nga!" Umirap ako at tumalikod na para talagang talikuran siya, ang malas sa buhay ko, nang muli nanaman niyang hinawakan ang kamay ko at iniharap ako sa kanya. Tsk. Bakit ba ang clingy nito? "Ano ba?!"
"C'mon, I'm not asking for anything. I just want you to stay with me and eat lunch with me. Masama ba 'yun?" Nanlaki ang mga mata ko. Feeling ko, umurong din ang mala-amazona kong dila sa kakatalak sa kaniya matapos kong marinig ang lahat ng sinabi niya.
Napalunok ako. "A-ah. I-iyon ba ang sinasabi mo?" Tumango siya at, napa-iwas na lang ako ng tingin. Kung pwede nga lang mapa-facepalm ay ginawa ko na rin kung hindi lang niya hawak-hawak ang kamay ko. Shet. Bakit ba ang dumi ng utak ko?
"Seriously, Kath." He said, smirking and asked me. "Anong iniisip mo? Don't tell me your thinking 'bout 'dirty' things."
Napalunok ulit ako. Shemay. Feeling ko, ilang beses akong binaril ng paulit-ulit nang matigas niyang binanggit ang salitang 'dirty'. Naman eh, bakit ba kasi ang nature-loving ng utak ko?
"W-wala ah!" Ini-iwas ko mula sa kaniya ang mala-kamatis kong mukha at agad siyang inihila upang matapos na ang lahat-lahat. Tsk. Ang malas ko talaga. "Tara na nga!"
Hindi naman kami nahirapan sa paghanap ng upuan. Isang tingin habang nakatayo at preskong nakapwesto lang sa tabi kong itong si Shin, aba. Agad nagsisi-alisan ang mga estudyante rito. Napa-roll eyes ako. Yung totoo, hari lang?
"Wait there." preksong-presko pa ding sabi niya nang makaupo na ako. "I'll just buy my food. Stay there, ok?"
Tumango na lang ako kahit inis dahil kung makapagsalita siya ay para akong asong tatakas at kinakailangan pang talian sa isang pwesto. Napabuntong-hininga na lang ako, ano pa nga bang magagawa ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/3259349-288-k890249.jpg)
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.