Chapter 49 * He's Back *

1.1K 26 2
                                    

Kath

"Ano? Masarap 'bang landiin ang asawa ko?" nanggigigil na sigaw ni Kc, dunuduro-duro pa si Nicole na parang wala lang na naririnig at patuloy lang na kinakain ang ice cream na dapat ay para kay Kc at tinatawag niyang 'asawa'. "Masarap ba? Masarap ba-"

"Macharap." Naka-ngising biglang sagot ni Nicole, dinilaan muna ng isang beses 'yung dulo ng ice cream tsaka ito nilamon ng mabilis sa mismong harapan ng nakanganga nang si Kc at tsaka sinabing, "Macharap kaya."

"HINDI!!" Ang naisigaw na lamang ni Kc matapos lunukin ni Nicole ng buong-buo ang ice cream na talagang pinilahan pa niya sapagkat ito na lamang ang natitira at nag-iisang chocolate-flavored ice cream na dapat ay isusubo na niya 'kung hindi lamang ito ninakaw ng baliw niyang kaibigang si Nicole.

Malakas namang napatawa si Nicole na parang kontrabida lang sa isang drama habang dinadalaan ang dulo ng kaniyang daliring may ku-konti 'pang natitirang chocolate mula sa ice cream at tsaka pinagpa-tuloy ang kaniyang pang-aasar sa 'tila namatayang kaibigan niyang si Kc.

Napaface-palm na lamang ako sa kanilang mumunting eksena bago nilapitan si Kc at tsaka ito tinapik-tapik sa likod habang tinititigan ng masama ang ngayong tuwang-tuwang si Nicole at bumulong-bulong, "Tss. Kung bakit ba naman kasi ako nag-imbita ng mga isip-bata-"

"Eh kasi nga, libre lang ang pagkain!" Agad namang malakas na sagot ni Marielle na patuloy pa 'rin sa paglamon at 'tila hindi nauubusan ng pagkain sa kaniyang lamesa sapagkat maya't-maya siya 'kung magnakaw ng mga handa't mukhang tuwang-tuwa pa sa kaniyang ginagawa.

Napa-iling na lamang ako sa kaniyang sinabi't handa na sanang umalis mula sa kabaliwang ito nang bigla akong mapatigil nang marinig ko ang boses na iyon hindi sa'king harapan kung hindi, sa sahig na inaapakan ko!

"Let me sleep you.. Mader Pader!" Inis na sabi ni Alex na kunot-noong nakapikit ang mga mata't parang asong sumisipa sa 'kung sino habang nakahiga sa sahig.

Napamasahe na lamang ako ng noo matapos ng lahat ng aking mga nakita't narinig at tsaka sinabing, "Oh Lord, what have I done to deserve this?"

Bakasyon na namin ngayon, panahon para makapagpahinga't makapagrelax-relax naman mula sa mga kabaliwang pangyayari sa eskwelahan pero, bakit hanggang ngayon, kahit birthday na birthday ng nanay ko ay.. Patuloy pa 'din akong hina-hunting ng apat na baliw na 'toh?

"Ok lang 'yan, best." Pagpapakalma sa'kin ng best-friend 'kong si Hannah, tumatawa-tawa pa mula sa kabilang linya't rinig na rinig ko 'kung paano niya lunukin ang kinakain niyang chocolate, 'kung kanino galing? Well, kayo na ang bahalang mag-isip! Sirang-sira na nga ang utak ko dahil sa mga baliw na 'yun, tatanungin niyo pa ako? Baka mamaya niyan matuluyan na talaga ako't maging baliw na rin katulad nila! Waah! "Di ka pa nasanay sa apat na 'yan. Pasensya lang ang kailangan, Kath. Wala tayong magagawa, ganiyan talaga sila, ilang beses ata silang inire ng nanay nila kaya ganiyan na lamang sila kakulit. Haha!"

Naparoll-eyes na lamang ako dahil sa sinagot niya't sinabing, "Pwede ba, tigil-tigilan mo nga ang paglamon ng chocolate diyan! Tss." Inis 'kong sabi't mariin 'pang kinagat 'yung pizzang ninakaw ko pa mula sa mga handa sa baba. "Hindi mo na nga ako binibigyan kahit isa ng mga iyan samantalang araw-araw ka naman 'kung bigyan ni Shaun niyan, iniinggit mo pa ako?!"

Napatawa na lamang si Hannah dahil sa sinabi ko, muling kumuha ng chocolate mula sa plastic at tsaka pangasar uling nilunok ito ng napakalakas na siyang rinig na rinig ko't mas lalong nagpakulo sa tiyan ko. Napapikit na lamang ako ng mariin habang bumubulong-bulong, matapos lang talaga ang bakasyon, Hannah. Makikita mo, talagang bonggang-bongga ang inihanda 'kong napakalakas na upper-kick sa iyo!

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon