Chapter 51 * Mommy *

1.4K 20 2
                                    

Kath

"Seriously, Shin. Sa lahat ng lugar na pwede nating puntahan, dito pa talaga ang naisip mo?" Iritableng sabi ko sa lalaking preskong-presko lang na katabi ko, nakapatong ang braso sa lamesa't kahit nasa ganito kaming klaseng lugar ay parang nasa isang fashion show pa 'rin siya't parang wala lang na sinabing..

"Bakit? Diba sabi nung doktor stress ka kaya ayan, nandito tayo sa McDonald's."

Napanganga na lamang ako sa isinagot niya, hindi makapaniwalang asawa ko talaga ang lalaking nasa harapan ko't si Shin lang at wala nang iba ang taong kausap ko lalo na nang sinabi niyang, "Binilhan pa nga kita ng maraming KitKat kasi diba ang sabi nila, have a break?"

Napaface-palm na lamang ako, pinipilit alamin 'kung sinong alien ang biglang sumapi sa asawa ko't nakasimangot 'pang sinabing, "Anong akala mo sa'kin? Bata na walang ibang solusyon sa problema kundi, pagkain-"

"Bakit?" gulat namang ganting tanong ni Shin sabay sinabing, "Hindi ba?"

Tuluyan na akong napakamot sa ulo dahil sa sobrang irita sa taong gwapong-gwapo ang mukha pero parang alien naman 'kung makapagsalita't 'tila nawawala sa kaniyang sarili, napanguso pa ako't napabulong, bahala na sila 'kung maghasik ng lagim dito ang mga kuto ko! Basta ang mahalaga, mai-kamot ko ang lahat ng inis ko sa lalaking ito!

"Excuse me po." Biglang dating nung waiter, agad naman akong napalingon sa kaniya't talagang nanlaki ang mga mata nang makitang hindi lang pala basta-basta 'waiter' ang dumating 'kung hindi sandamakmak na crew ng McDonald's ang nasa harapan ko't may dala-dalang isang tribo ng ice cream!

Isa-isa nila itong nilapag sa harapan ko, nagdagdag pa ng apat na lamesa sa pagitan namin ni Shin para magkasya ang lahat na inorder nung loko tsaka nakangiting sinabing, "Here are your orders, Ma'am and Sir. Enjoy your meal!" Aniya't aalis na sana nang bigla 'kong hinila ang dulo ng uniform niya't tinitigan siya ng nanlalaki ang mga mata. Bigla naman siyang napalingon tsaka nakangiting sinabing, "Yes, Ma'am? Ano 'pong maitutulong ko-"

"Tubig! Kailangan ko ng tubig!" Parang taong gubat 'kong sagot hindi pa man siya tapos sa kaniyang sinasabi't nanlalaki pa ang mga matang dinagdag, "Baka tuluyan na akong mawalan ng boses at forever nang magkasore-throat sa sobrang dami nitong ice cream na pinaglalagay ninyo!"

Agad namang kumilos 'yung crew, sabay-sabay akong inabutan ng tubig at sa totoo lang? Konting-konti na lang talaga ay mawawala na ako sa katinuan dahil sa mga pangyayari sa araw na ito!

"Oh Juice ko," nasabi ko na lang nang mai-abot na sa akin ang lahat ng tubig na hiningi ko, tinitigan mula ulo hanggang paa si Shin na 'tila tuwang-tuwa sa labang kinahaharapan ko't sinabing, "Dumating ka lang, nasira na ang araw ko. 'Yung totoo, malas ka talaga sa buhay ko, 'noh?"

Napangisi siya bigla dahil sa sinabi ko, preskong sumandal sa kaniyang upuan tsaka pangasar 'ding sinabing, "You should be thankful, Kath. Not everyone is blessed to have a husband who's hot, handsome and smart like me." Aniya't hinarap pa ako ng nakangisi't nag-wink.

Nanliit na lamang ang mga mata ko, muling nagtawag ng waiter tsaka sinabing, "Pwede paki-patay nung aircon? Ang lamig eh, daig pa ang buhawi sa sobrang hangin 'tong katabi ko."

Napangiti na lamang si Shin dahil sa sinabi ko, sinenyasang ayos lang ang lahat 'yung waiter na 'tila naguluhan sa sinabi ko't muling ngumisi bago sinabing, "It's your fault that I'm here. I'm not the one who wants to date and was missing me so much-"

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon