Kath
Omaydad, omaygad, omaygad! Pagkakapit ko ng mas mahigpit sa seat-belt ko kahit halos hindi na ako makahinga para lang makagising pa bukas ng nakadilat pa rin ang mga mata at patuloy na humihinga! Shet! Ang ovaries ko!
"A-ah, di naman halatang nata-tae ka, a-noh?" pautal-utal 'kong sabi sa halimaw na 'tong patuloy pa ring nagdadrive sa'ming walang katapusang 'trip to heaven' na biyahe. Napasimangot ako. Kainis, puputok ovaries ko sa kaba dito eh!
Hindi niya ako pinansin, diretso lang siyang nakatingin sa daanan pero mukhang natamaan din naman siya ng mga bato-bato sa langit kasi medyo bumagal na ang pagdadrive niya kahit papa-ano.
Napahinga ako ng malalim. Thank God, makakatulog pa ako ng nakanganga bukas.
Tinitigan ko siya ng masama. "Mabuti naman at naisipan mong magbagal-bagal, a-noh? Kala ko talagang sa langit na dead-end natin eh." inis na sabi ko at tsaka muling tumingin sa labas nang bigla 'kong narinig ang isinagot niya.
"Tsk. It's not me who's controlling the car anymore." napakunot-noo ako. Anong pinagsasabi nito? Tinitigan ko siya ulit at kasabay ng pagsasalita niya ang pagkakakunot ng kaniyang noo. "Shit, naubusan ata tayo ng gasolina." and true to his words, bigla ngang tumigil ang kotse sa pag-andar and the worst part is, dito kami tumigil sa isang high-way sa.. Dis-oras ng gabi?!
"Utang na loob!" Napakamot pa 'ko sa ulo ko sa sobrang inis. "Kailan ba ako si-swertihin sayo--"
"Bakit? Di pa ba swerteng ako ang napangasawa mo?" inis ring sabi niya tsaka napatingin sa wristwatch niya. "Damn, it's already 8pm. We need to find a place to rest--"
"Aba't talaga namang kailangan na'ting magpahinga 'noh!" nanggigigil na sabat ko sa kaniya sabay hawak ng mahigpit sa 'tila bagong takas sa mental na puso ko. "Mamatay ako sa kaba sa'yo eh---Ay manyak na bungi!" gulat na sigaw ko nang biglang nagbukas ang pintuan sa gilid ko kasabay ng paglahad sa'kin ng kamay nitong panget na 'toh.
Tinitigan ko siya ng masama, bwisit talaga 'toh. Salita ako ng salita dito, wala na pala ang kausap ko sa tabi ko.
Agad 'kong nilagay ang kamay ko sa palad niya pero bago pa man ako tuluyang makalabas ay agad 'kong hinablot ang kamay niya at kinagat ng malakas.
"SHIT!" naisigaw na lang niya matapos agawin ang kamay niya't nakita ang namumulang parteng kinagat ko ruon. "Hey! What's that for?"
"Heh! Wag mo 'kong madaan-daan sa pagi-english mo!" inis na sabi ko at tsaka tuluyan nang bumaba ng sasakyan.
Padabog naman niyang sinarado ang pintuan ng sasakyan habang patuloy na hinihipan ang mahapding parte ng kamay niyang parang aso 'kong kinagatan.
Tinitigan ko siya ng masama. "That's for almost killing me!" sinimangutan ko pa siya't sinabing, "Leche. Alam mo bang mas malala pa sa inatake sa puso ang inabot ko kanina? Langya, death without contact of Kamatayan ang naranasan ko kanina! 'Yung kamatayang di ka na kinakailangang sunduin dahil diretso langit ka na!"
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.