Hannah
Shet, shet, shet, panlalaki ng mga mata ko kasabay ng paglaglag ng panga ko habang nakatingin sa harapan ko. Shet! muling sigaw ko nang makabalik sa ulirat at tsaka dali-daling kinuha ang salamin ko't inayusan ang sarili ko. My ovaries! Nandito si crush, wiee!
"S-shaun!" agad na sabi ko matapos 'kong ayusan ang sarili ko't sa pang-sampung beses ay tinitigan ang sarili ko sa salamin. Malawak ko siyang nginitian habang naglalakad ako palapit sa kaniya. "Long time no see, hehe!" Oo na, ako na talaga! Ako na ang Feeling Close--chos.
"Hey!" sabi niya't malawak ring ngumiti pero bigla akong natigilan nang bigla niyang hawakan ang ulo ko't nilagay sa likod ng tainga ko ang takas 'kong buhok na kaninang nakatakip na pala sa mukha ko. "Yan, much beautiful." sabi niya sabay kumindat.
Emeged, agad akong napahawak sa dibdib ko't pinakalma ang overreacting na naman sa kilig 'kong puso. Teka lang, heart! Kumalma ka, ayaw ko pang mamatay! Papakasalan ko pa si Shaun--chos.
I know right, gusto ko sanang sabihin pero naisip 'kong baka masira ang moment kaya kunyari pa-shy type ko na lang siyang nginitian sabay nagtanong, "Saan ka pupunta?" sabi ko't muli ay napatingin sa hawak-hawak niyang gitara. "Oooh. Jamming na naman ba?"
Malawak naman siyang ngumiti at sa gulat ko ay nanlaki na lamang ang mga mata ko nang bigla niyang guluhin ang kaninang inayos niyang buhok ko. Napanguso ako, sige lang, Shaun. Sirain mo pa, para mamaya ayusin mo ulit. Waa!
"Yep." sabi naman niya matapos tumawa tsaka ini-angat ang gitara niya. "I'm bored at isa pa, wala tayong masyadong teacher ngayon dahil sa pag-aayos nila ng grade so, I guess this is a perfect time to enjoy." aniya't nagulat at nanlaki na lang ang mga mata ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko't hatakin ako kasama niya. "Come, have fun with me." sabi pa niya't muling kumindat.
Shemay, naibulong ko na lang sabay hinga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko't huwag mahimatay. Have fun daw--anong klaseng 'fun' 'yan? Chos.
At katulad ng inaasahan 'ko, dito na naman kami sa Park tumambay. Sa park kung saan nakita daw niya ang special her na 'yun. Napasimangot ako, mahanap ko lang talaga 'yung 'her' na 'yun, naku!
"I pity Kath and Shin." nagulat ako sa biglaang sinabi niya, hinarap ko siyang may pagtataka sa mukha't ruon ay nakasalubong 'ko ang 'tila bigo niyang mukha. "They love each other, yun nga lang--"
"One of them is afraid to fight and the other is, slowly giving up." dugtong ko sa sinasabi niya't katulad niya ay bumuntong-hininga.
"I really want to help them." sabi pa niya't bigong umupo sa isa sa mga bench duon at tinapik ang katabi niyang pwesto para maupo ako. "Kaya, nakaisip ako ng paraan."
"Paraan?" agad 'kong sabat sa kaniya, nanlalaki ang mga mata't 'tila nagulat sa mga sinabi niya.
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.