Kath
Napangiti ako. Ang ganda ng araw ko. Ang sarap-sarap ng tulog ko at ang bango-bango pa ng unan ko. Muli akong napa-amoy dito, Hmmm. Ang bango.. Inamoy-amoy ko pa ito at hinawakan. Hmm, ang bango talaga! pero.. Pinisil-pisil ko ito. Bakit parang.. ang tigas? Muli kong hinawakan ito at napasinghap, at tsaka bakit parang... ang haba?
Agad akong napadilat ng mga mata, tinanggal ang kumot at nanlaki ang mata nang napatingin ako sa tabi ko. Isang lalaking maputi, matangkad at nakangisi ang bumungad sa umaga ko.
"Sorry, masyado ba akong mabango?"
"Shit!" Agad akong bumangon mula sa kama at lumayo sa kanya. "Nagkabati lang tayo, minamanyak mo na ako--este, anong ginagawa mo dito?" nanlalaki ang mata ko, halos patayin ko siya sa sobrang tulis ng tingin ko sa kaniya pero, wala. Sarap na sarap pa siyang nakahiga sa higaan ko at nakangising sinabing..
"Malamang, nakahiga." cool na cool lang siya, walang problema at walang pakialam sa mga pinagsasabi ko habang nakahiga siya't nakangisi pang sinabing, "Hindi ba obvious?"
Napakagat-labi na lang ako't namula ang mukha habang nakatingin sa kaniya, shet. Ang hot-hot niya--este, ano ba, Kath! Umagang-umaga gumagana na naman yang 'mind-green' mo!
"C'mon, lets eat breakfast." nagulat naman ako sa biglaang sinabi niya lalo na nang kagatin niya ang labi niya't sinabing, "I'm hungry." diretsong sabi pa niya't tinitigan ang labi ko.
Napakagat-labi rin ako, shetness. Nagugutom na 'rin ako!
"T-tara!" agad na sabi ko't hinila na siya para kainin--este, para pumunta na sa kusina't makakain. "Nagugutom na ako!"
Narinig ko naman siyang tumawa't sumunod sa pagpapahila sa akin. Hindi nagtagal ay nakarating na din kami sa kusina at tuluyan nang makakakain kaso bigla akong natigilan at halos mawalan ng hininga nang makita ang aming kusina.
Napanganga ako't unti-unting hinarap si Shin na ngayon ay naka-iwas na ng tingin at sumisipol-sipol pa habang nakatingala sa kung saan. Mariin ko siyang hinila at sinabing, "Anong ginawa mo sa kusina 'ko?!"
***
"Sorry na." rinig 'kong sabi ni Shin, yakap-yakap pa ang likod ko't patuloy na inaamoy ang buhok ko. Napanguso ako, 'yung totoo, nagso-sorry ba talaga 'toh o minamanyak na ako? "I was just trying to cook something for you." sabi pa niya't napasimangot nang hindi ko na naman siya pansinin. "Oh, c'mon! Pansinin mo naman ako."
Napa-irap na lang ako't padabog na ibinigay sa kaniya ang mga platong dapat hugasan niya't ayusin ito sa lalagyanan dahil sa ginawa niyang kababalaghan sa kusina ko. Oo, gumawa siya ng isang napakalaking kalokohan, dun pa talaga sa kusina ko. Napasimangot na lang ako habang nakatingin duon sa kawawang sandok ko, ahuhu. Sorry, bebe girl! Hindi kita nailigtas! Waa!
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.